Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 1: Little White Lies

136K 3.4K 1K
                                    

Chapter 1

Little White Lies


"Oh my God! Have you heard the news? River Ongpauco is married!"

Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa harapan ko. Mukhang narinig din ng kasama ko ang nakakairitang boses ng nagbalita about sa pagiging married man ni River. Mukhang wrong move yata ang pagkain namin dito sa university cafeteria.

"Huh? To whom?"

"To his girlfriend! Duh!"

"You mean, the negra fat chick?"

Shemay. Kailangan ba talagang laitin ang best friend ko habang pinagtsi-tsimisan nila ang private life ng mag-asawa? Mga murit!

"When did he get married?"

"Three days ago pa."

Tsitsimis na lang kayo, late pa.

"Yeah! Do you think she's preggers?"

"Probably!"

"They look in love kaya! Look at this picture he posted yesterday!"

Alam ko yung tinutukoy nilang picture na pinost ni River kahapon. It was the picture they took after the civil wedding ceremony three days ago. Nakayakap si River sa likuran ni Jamie at parehas silang nakaharap sa camera, nakataas ang mga braso at naka-'dirty finger' pose kunyari, pero yung ring fingers nila ang kanilang gamit.

It was captioned: Officially taken by her.

Hindi ko alam kung bakit ang daming negative comments ng picture na 'yon. Oo, nakakagulat yung biglaan nilang pagpapakasal pero mahal nila yung isa't isa at isa pa, magkakaroon na sila ng pamilya. Kaso hindi naman alam ng lahat 'yon at baka mas lumaki ang backlash kapag nalaman ng mga fans ni River.

Minsan talaga, hindi pa rin ako makapaniwala na nakapasok kaming tatlo sa mundo nila. Para kasing napaka-exclusive ng mundo nila. Hindi ko sukat akalain na sa likod ng fame at wealth nilang mga Ongpauco ay mga simpleng binata lang sila.

Maloko, medyo mabait kahit papaano, at loyal. Once na naging kaibigan ka nila at naging loyal ka rin sa kanila, they will protect you like you were their own. At isa pa, wala pa kong nakikilala na kasing galante nila.

Nakuha ulit ng mga murit ang atensyon ko nang marinig kong lait-laitin na naman nila si Jamie.

I sighed. Bakit hindi na lang sila kiligin sa newlywed couple? Kahit na gano'n yung posing nila sa picture, kitang-kita naman na mahal na mahal talaga nila ang isa't isa 'no! At saka ang ganda-ganda kaya ni Jamie no'ng kasal niya!

Sobrang blooming! Literal na 'blushing bride.'

"C'mon, I don't know what I'm gonna do with them if we stay for another minute here."

Nagulat ako at napatingin sa kasama ko nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya. Napansin ko ring huminto sa pagkukwentuhan yung mga tsimosa nang mapansin nilang narinig niya sila.

Pinanuod ko lang siya na damputin ang backpacks namin bago naglakad paalis.

Teka lang! Yung gamit ko! Dala rin niya!

"Saan tayo pupunta, Lake? Hindi pa 'ko tapos kumain!" sigaw ko sa kanya habang humahabol. Mabuti na lang at hindi ako nag-skirt ngayon at nag-decide na lang akong magsuot ng pantalon. Kung hindi, naku, ang hassle!

"Sayang yung pera ko!" sabi ko kay Lake nang makahabol ako sa kanya.

Lumingon siya sa akin at ngumiti nang konti. "Lilibre kita later, don't worry."

When Will It Be Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon