Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 2: NinthTeen

74.9K 3K 652
                                    

Chapter 2

NinthTeen


Sumuko na ako sa pagko-concentrate sa pagbabasa. Hindi talaga kaya ng utak ko na makipagsabayan sa mata ko. Instead of focusing on my book, dumidiretso talaga kay Lake ang mga mata ko. Buti pa siya, hindi siya distracted. Bakit kasi ako pumayag na maging kaklase niya for this sem?

Huwag sanang madamay ang grades ko. Sana maka-get over na ako sa childish crush na 'to.

I sighed. Sinara ko na ang libro ko at kinuha ang aking laptop sa backpack ko. Marami pa akong kailangang tapusing basahin sa laptop ko na hindi naman connected sa school. Baka pwede kong matapos 'yon. Baka mas mabigyan ko ng atensyon 'yon dahil tungkol siya sa isa ko pang passion.

Tiningnan ko muna ang paligid ko bago ko binuksan ang laptop ko. Mahirap na, baka may makakita sa screen e. Hindi ko pa naman in-exit yung huli kong ginawa kagabi.

Nang masiguro kong walang tao sa likuran ko at busy pa rin si Lake sa pagbabasa niya, itinuon ko na ang atensyon ko sa e-mail na natanggap ko pa no'ng Monday last week.

From: Julia Miranda <julia.miranda@pinnaclemedia.com.ph>;

To: NinthTeen PadPaper <NinthTeenPP@gmail.com>;

Subject: Pinnacle Publishing

Sent: Mon, Jan 5, 2015 10:24:36 AM

Hello, NinthTeen!

And blah blah blah...

Hanggang sa 'Hello, NinthTeen!' lang ni Miss Julia ang naiintidihan ko. Ilang beses ko na binabasa 'tong e-mail na 'to. Pero nagbu-buffering pa rin ang utak ko kapag nababasa ko yung 'Pinnacle Publishing' sa subject ng e-mail!

Hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak ko na may isang publishing company na gustong mag-publish ng story! Gusto rin nila ako bigyan ng three-year exclusive contract for publishing. Hindi ko ma-gets kung bakit? Four years palang akong nagsusulat ng stories. Ginawa ko lang 'yon kasi bored ako at... Ugh.

Napatingin ako kay Lake. Dahil sa kanya kaya meron nito e! Kung hindi ko sila nakita ni Nathalia sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko noon, hindi ako magmumukmok sa dorm at mapapasulat ng poems at stories para ma-distract ang brokenhearted younger self ko.

Dahil sa pagmumukmok ko, na-discover ko na may website pala na pwede mag-post and read ng stories for free. I discovered PadPaper because of him.

For years, tinago ko sa lahat na nagsusulat ako under a username. Ayokong malaman nila ang identity ko dahil kahit hindi ko naman ginamit ang totoong pangalan niya, si Lake ang naiisip ko at di-ni-describe ko sa story ko na The Gamble. Feeling ko kasi may makakapansin!

It was just supposed to be a way of coping with stress sa school works at sa mini-heartbreak ko np'ng nalaman kong may girlfriend si Number 19. Hindi ko in-e-expect na maraming makakabasa at magkakaroon pa ako ng fanbase! Hindi ko in-e-expect na maraming makaka-relate at bebenta siya sa PadPaper dahil sa hindi pa ito kilala o mainstream sa Pilipinas.

Hindi ko in-e-expect na may publishing company na interested bilhin ang publishing rights ng story ko!

Shemay. Baka naman hindi legit ito at scam lang?

"Pinnacle Publishing?"

Napalingon ako sa likuran ko at napatalon sa gulat. Sobrang lapit ng mukha ni Lake sa akin at nakatutok siya sa screen ng laptop ko!

OMG! Binabasa niya yung e-mail ni Miss Julia!

Sinara ko bigla ang laptop ko at itinago sa loob ng backpack ko. Dali-dali akong kumilos at nag-isip ng dahilang pwedeng sabihin sa kanya.

When Will It Be Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon