Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 3: Not A Date

76.7K 2.8K 632
                                    

Chapter 3

Not A Date


Exactly a week after that incident in the library, sinamahan ako ni Lake sa office ng Pinnacle Media for the meeting and contract signing. I was actually still reeling from it because everything happened so fast. Sa loob ng one week na nakalipas...totoong-totoo na na magiging published writer ako!

Naalala ko pa no'n na may nag-tweet sa akin asking for my e-mail add. Nag-reply ako kaagad not knowing na ang matatanggap ko sa inbox ko no'n ay isang proposal for a publishing deal!

Hindi magiging possible ito kung hindi dahil kay Lake. Well, it was possible. Pero hindi ko alam kung paano ko siya i-a-approach nang tama. Ang daming naitulong sa akin ni Lake. Siya ang nag-construct ng e-mail na ire-reply ko kay Miss Julia. Every time kasi na binubuksan ko yung e-mail niya, nagbu-buffer yung utak ko e. Naawa na raw sa akin si Lake kaya siya na ang gumawa ng ita-type kong reply. Huwag ko na raw patagalin kasi baka bawiin yung offer.

Kung saan-saan din niya ako dinala para matulungan ako sa pag-intindi ng contracts na s-in-end sa akin ni Miss Julia after nitong mag-reply sa e-mail na gawa ni Lake.

Halos every step of the way, nakaabang at nakaalalay siya sa akin. There were times nga na parang mas excited si Lake para sa akin. Of course, excited ako dahil unti-unting nangyayari yung pangarap ko. Hindi ko naman in-expect ito no'ng nagsimula akong magsulat e. Pero natatakot din ako kung paano tatanggapin ng traditional readers ang The Gamble.

Ang surreal kasi ng nangyayari sa akin these past few days. Minsan talaga hindi na ako makahabol sa bilis ng ikot ng mundo.

"Did I just sign a publishing deal?" bulong ko kay Lake paglabas namin ng elevator galing sixth floor office ng Pinnacle Media.

Lake chuckled. "Yup, I was there. I have pictures pa." Pinakita niya pa sa akin ang phone niya and true enough, nakuhaan nga ako ng picture habang nakangiti kay Miss Julia.

"By the way, napansin ko na you always do the bungisngis thing."

Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya. Instead, hinawakan ko siya sa braso at niyugyog. "Lake! Magiging published writer na 'ko!"

OMG! Hindi pa rin ako makapaniwala!

He smiled at me. "I know. Nando'n ako kanina, remember?" Sasagot sana ako kaso hinawakan niya ang mukha with both hands at kinurot ang magkabili kong pisngi. "I'm so proud of you, Kim!" he said, grinning.

Lumayo ako sa kanya kaya napabitiw siya agad. "Thank you. That means a lot to me," sabi ko habang natatawa. Hinimas ko ang mukha ko dahil sa sobrang init nito. Ang sakit kasi niya mangurot ng pisngi!

"Tara! This calls for a celebration!" sabi niya nang makalabas na kami sa building.

Shemay! Wala pa akong pera ngayon. Kulang sa budget dahil nagastos ko na last week yung budget ko for this week! Bakit kasi nag-Samgyeopsal at Banapple ako ng last week?!

Umiling ako sa kanya. "Huwag muna ngayon. Short pa 'ko sa pera."

Lake waved his hand dismissively. "When you get that six-digit initial payment, saka mo na ako ilibre. For now, it's on me."

Tatanggi pa sana ako pero hinila niya na ako papunta sa katabing mall ng building na pinanggalingan namin. Wala akong takas nito sa kanya! Kung bakit ba naman kasi rito pa sa part ng Boni yung building ng Pinnacle Media, e ang daming mall dito!

"Nakakahiya naman sa 'yo! Sinamahan mo na nga ako, ililibre mo pa ko," sabi ko sa kanya habang sinusubukang makahabol sa pacing niya ng paglalakad. Ang haba kaya ng legs niya! Sobrang bilis niya maglakad, hila-hila niya pa ang braso ko! Baka makaladkad ako nang wala sa oras!

When Will It Be Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon