Wattpad Original
This is the last free part

Chapter 5: FLAMES

65K 2.7K 684
                                    

Chapter 5

FLAMES


I was so bored.

Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako sumama kila L at J no'ng niyaya nila akong sumama sa condo ng mag-asawa . Alam ko namang ma-O-OP lang ako roon dahil parehas couple yung nandun. Alam ko namang hindi nila ipaparamdam sa akin na panggulo ako pero ayoko rin makaistorbo sa time nila.

Ayoko ngang maging fifth wheel.

Si Asher naman, umalis din at hindi sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Iniwan niya rin ako mag-isa sa apartment. No'ng tinanong ko siya bago siya makalabas, ang sabi niya lang ay 'hahanapin ko lang yung pitong dragon balls, beh.'

Wala na akong ibang maisip na gagawin pa. Nagawa ko na yung paperworks ko for school, nakagawa na rin ako ng notes ko para sa lifegroup ko sa church, at nakapag-practice na rin ako ng pagtugtog sa keyboard ko.

Wala na talaga akong ibang maisip na pwedeng gawin.

Well, you could always start a new book.

Tama, ilang weeks na ring tapos yung The Gamble sa PadPaper. Pero shemay, wala pa rin akong maisip na bagong plot para sa susunod na story na i-po-post ko roon. May ilang linggo pa ako para gumawa ng plot outline. Although, kailangan ko munang makapag-isip ng plot mismo.

Bakit naman kasi ngayon pa ako inatake ng writer's block kung kailan kailangan kong kumilos para maging productive naman 'tong gabi ko?

Okay na rin siguro na nag-stay in ako. Magka-catch up na lang ako sa tulog ko.

***

Ugh. Bakit ba hindi ako makatulog?!

Bumangon ako sa pagkakahiga at binuksan ang bedside lamp ko. Kinuha ko na rin yung diary ko at favorite pen ko.

Pipilitin ko na lang na may maisip na plot kaysa tumitig sa kisame. Baka mabutas ko pa, wala naman akong pang-maintenance. Nagtitipid na ako dahil lang ang gumagastos sa sarili ko at sumusuporta sa pag-aaral ko ngayon sa graduate school.

Inilapag ko sa lap ko ang diary ko at binuksan ang banda likuran nito.

Mrs Kimberly Joy Ongpauco

Lake

Lake Ongpauco

LAKE ONGPAUCO

Lake = Lawa

Kim Ongpauco

#19 & NinthTeen

Lake <3 Kim

Oh my God. Nakakahiya din talaga ako kung minsan! Hindi ko na maaalala kung kailan ko pa 'to naisulat! Nakalimutan ko na siguro 'to punitin kaya nandito pa sa diary ko. Mabuti na lang talaga at walang nakakabasa nito.

Pinunit ko yung last page at binilog bago binato sa trash bin malapit sa bedside table ko. Paglingon ko sa diary ko ay may napansin ulit ako. May nakasulat din sa second to the last page, apparently.

FLAMES

KIMBERLY JOY TALAVERA = 9

LAKE ONGPAUCO = 7

9+7=16!!!

16 = M

M = MARRIAGE!

HOPE

16 = E

E = EWAN???!!!

icon lock

Show your support for Ciara, and continue reading this story

by Ciara
@seeyara
Kim Talavera has feelings for Lake Ongpauco. The problem? They're one...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 35 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @seeyara.
When Will It Be Me?Where stories live. Discover now