3

5.2K 248 11
                                    


Dear Kung Sino Ka Man,

Masyado ka namang tahimik. Ni hindi ka man lang sumagot sa sulat ko kahapon. Ni hindi mo man lang inibsan ang lungkot na nadarama ko. Nakuha ko iyan sa binabasang pocketbook ng ate ko. 

Dati hindi siya mahilig magbasa pero simula noong napapadalas na ang pagbisita ni Shane e nagbabasa na siya ng mga love story na alam kong hindi naman niya maintindihan kahit tagalog.

Kanina napuri ako sa art class. Paano inimagine ko iyong cherry blossoms sa anime. Iyon ang pininta ko. Siguro kapalit na sa kawalan ko ng ganda ang kagalingan ko sa pagpipinta. Pero sana talaga naging maganda nalang ako.


Ah oo pala. Kanina nakita ko si Shane, hinalikan niya si Ate Lissy sa pisngi.


Feeling ko parang pinadaanan ng chainsaw iyong cherry blossom na ipininta ko, kasabay ang pagsigaw ng tadhanang, "TIMBER!!!"


Noong hindi ko pa nakikilala si Mischa na best friend ko ngayong highschool, e alam kong ang abnormal ko talaga noong bata ako. Papaano kung makaselos naman ako e parang papakasalan ko na si Shane. Kung makaselos ako parang wala ng bukas.

Alam kong napapansin iyon ni Ate Lissy, at ang masaya pa niyan, kahit napapansin na niya e patuloy parin ang pagdala niya kay Shane sa bahay. Minsan tinawag pa nga niya ako para manood ng TV sa sala kasama sila e hindi naman sila nonood ng TV nagpapaluan lang sila at nagtatawanan.

Inis na inis ako noon kay ate. Inis na inis ako kasi may kapaluan siya. Inis na inis ako kasi may nagpupunta sa bahay para makita siya. Inis na inis ako kasi may nagpapadala sa kanya ng bulaklak kahit pinagsama samang santan lang naman iyon at mas marami pa ang langgam kesa sa petals. Inis na inis ako kasi meron siyang Shane.

Inis na inis ako kasi masaya siya.

Malinaw parin sa isip ko iyong araw na nakita ko kung paano halikan sa pisngi ni Shane si Ate Lissy. Siguro kasi hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang lumipas e gusto ko si Shane parin yung makakatuluyan ko. Sana si Shane nalang, Lord. Hindi na ako magsisinungaling promise.

Pero ayun na nga, napansin rin ng nanay ko yung kalungkutan ko noon.

"Anak masyado ka pang bata para sa ganyan. Mararanasan mo rin iyan sa tamang panahon."

Noon lang ako hindi naniwala kay nanay. Paano sino naman magkakagusto sa akin kung nandyan parati si Ate Lissy? Iyong kaklase ko nga na kapitbahay namin noon e crush din si Ate Lissy.

Nakakainis nga e, kasi dati sinasabayan niya ako sa paguwi. Kahit cleaner ako, kahit amoy pinaghalong lupa at floor wax ako, sinasabayan parin niya ako. Wala na akong pakialam kung kabaligtaran siya ni Tamahome.

Wala akong pakialam kahit maitim siya at parang hindi siya naghihilamos at nagsisipilyo. Wala akong pakialam kahit may bulok siyang ngipin at nahulog yung isa niyang ngipin sa harap sa kadahilanan ngang hindi niya pagsisipilyo. Wala akong pakialam kahit wala ata siyang pilik mata at kahit na unibrow siya.

Ang importante lang sa akin noon e mabait siya sa akin. Hinihintay niya ako. Ang importante lang noon sa akin e kahit na amoy pawis at floor wax ako e sinasabayan parin niya ako sa paguwi.

Pero nadiskubre ko rin naman kung bakit ganun siya kung magtiyaga. Napansin kong laging tanong niya kay Ate Lissy.

"Anong favorite color mo?"

"Yellow."

"E ang Ate Lissy mo?"

"Ewan madami e. Rainbow."

"Anong favorite song mo?"

"You are my everything ng Nsync."

"E ang Ate Lissy mo?"

"Wala. Tone deaf yun."

"Anong favorite niyang pagkain?"

Noong una kasama pa ako sa mga tanong niya, pero nung mga sumunod e naging tungkol kay Ate Lissy na. 

Nakakainis nga e, sana nagpunit nalang siya ng ilang pages sa slumbook niya at pinasagutan ko nalang kay Ate Lissy e.

Kaya noong isang araw habang naglalakad kami tinanong ko siya. Baka naman kasi curious lang siya kay Ate Lissy. Malay mo gusto niya lang makilala pamilya ko kasi balak niya akong ligawan. Malay mo bukas tungkol naman kay nanay ang sasabihin ko.



"May gusto ka ba sa akin?"



"Hahahahaha. Wala noh! Si Ate Lissy crush ko!"


Kainis yung unibrow na yun! Namili pa! 

Isang Milyong Sulat 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon