22

3K 145 23
                                    

PRINCE


Fourth year kami nang magdesisyon akong oras na para malaman ni Lindsey na gusto ko siya. Hindi na ako makikinig sa advice ni Feliz. Hindi na ako makikinig sa advice ng iba at hindi na ako hihingi ng tulong sa mga romantic comedies na sine. Sarili ko na ang papakinggan ko! Ako na mismo ang gagawa ng paraan para umamin.


Kung tanggapin man ako o hindi ni Lindsey e wala na akong pakialam. Ang importante lang ngayon kailangan ko ng umamin.


Marami akong naging plano para umamin.


PLAN A: Cornerin si Lindsey sa corridor pag uuwi na siya.


Naging habit na ni Lindsey ang pagpunta sa library bago umuwi. Hihiram ng libro para sa isang quiz o di kaya naman doon niya na gagawin ang mga assignments niya. At tuwing uuwi siya laging konti nalang ang mga estudyante lalo na iyong mga dumadaan sa corridor palabas ng back gate. Decided na talaga ako nun! Kung hindi man ako papansinin ni Lindsey kapag nag hi ako at sinabi ang pamatay kong "Lindsey, kausapin mo naman ako please." E literal ko talaga siyang kokornerin sa mga braso ko. (sana pala nag weights ako para may konting muscle hindi yung parang ganito na buto tsaka laman lang)


Tapos ko siyang macorner at hindi parin siya tumitingin sa akin unti unting magiging soft ang boses ko habang sinasabing "Lindsey tignan mo naman ako o please." At unti-unti siyang titingin sa akin. Slow motion para intense. At kapag naglapat na ang mga mata naming e sasabihin ko na ang dialogue na isang buwan ko ring binuo.


"Lindsey, gusto kita. Simula noong una palang kitang nakita at inabot ko ang medyas nabihag mo na ako. I'm yours. Will you be mine?" (gwapo mo talaga, Prince! Kung pwede lang pakasalan ko sarili ko nagawa ko na!)


Hinintay ko si Lindsey. Nang pumatak na ang 6PM naghintay na ako sa may labas ng corridor papuntang back gate. Ilang minuto lang narinig ko na ang mga yapak ni Lindsey. Sinubukan kong iflat na parang buhok ni Jose Rizal ang binagyo kong buhok at huminga ng ilang beses para maamoy kung fresh na fresh parin ba hininga ko.


Mabilis ang mga pangyayari.


Dumaan si Lindsey. Dire-diretsyo. Dumaan siya habang chinecheck ko kung nagtoothbrush ba ako o hindi. Huminto siya saglit at tinignan ako na parang ang weird ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang kumaway nalang habang umirap siya sa akin at naglakad papalayo.


Anyare naman sa kokornerin sa mga braso effect mo, Prince? Tablado ka nanaman ni Ice Princess.


PLAN B: Call a friend.


Dahil sawi ang pa-gwapo effect ko naisip kong bakit hindi nalang pala ako lumapit kay Mischa at magpatulong! Ayos! Tuwing Friday kasi, dahil naging parang nerd si Lindsey e nagvovolunteer siya tuwing free period namin para magtutor ng mga grade 6 students sa kabilang building, kaya naiiwan si Mischa sa library mag-isa ng isang oras! Ayos!


Lumapit ako kay Mischa at umupo sa tabi niya. "Mischa, may kailangan kasi ako..."


Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now