9

4K 217 27
                                    

Dear Kung Sino Ka Man,

S



Minsan tinanong ko si Prince kung ano ang depinisyon niya ng maganda. Ewan, curious lang siguro akong malaman ang point of view ng gwapo. Baka kasi iba ang depinisyon niya sa aming mga nasa linya lang ng puwede na. Pero eto ang isinagot niya sa akin:

"Tawagin mo muna akong Prince Co." simula noong bininyagan siya ng pangalang iyan ilang beses na niya akong kinukulit na iyon ang itawag ko sakanya. Hindi daw niya ako lilingunin kapag hindi daw iyon ang tawag ko sakanya. Umiling lang ako. May isang buong araw na hindi ko siya tinawag kakapilit niyang tawagin ko siyang Prince Co pero siya rin ang bumigay.

"Ano na kasi para sa iyo ang maganda?" absent si Mischa. Nagkukunwaring may sakit pero sa totoo lang tinatamad. Buti pa ang mama niya nars. Puwedeng humingi agad ng medical certificate, libre pa.

"Tignan mo lahat ng tao rito sa school Prince Co tawag sakin. Pati nga si Ma'am Trinity na may anak na kasing edad natin Prince Co tawag sa akin. Ikaw nalang hindi. Sige na, one time lang. Kahit minsan mo lang akong tawaging Prince Co..."

"Ano naman makukuha ko kapag tinawag kita ng ganun?"

"Hinding hindi ko na aalalahanin yung medyas. Promise."

Ngumisi ako. Ngayon pa! Sana kung noon pa niya iyon ipinangako edi sana ngayon iyon na tawag ko sakanya. Masasabi kong naimmune na ako kakaasar sa akin nung pesteng medyas na iyon. Kung bakit kasi medyas pa ang inilagay ko. Pwede namang monay nalang mas madali pang iexplain pag naihulog mo at iniabot sayo. 

"Wala laos na yung medyas na yun." Itinabi niya iyong armchair niya sa akin tapos hinarap ako at pinangalumbabaan.

Yung best friend ko maganda." Sabi niya ng hindi iniaalis ang tingin sa akin. Parang naghahamon. "Bee ang pangalan niya. Abigaile Sy. O diba pangalan palang maganda na."

"Paano siya naging maganda?"

"Chinita siya. Maputi. Makinis ang mukha. Matangos ang ilong."

"Ah." Pareho rin pala sa ibang lalake ang depinisyon niya ng maganda. Kahit gwapo si Prince kapareho parin niyang magisip si unibrow. Iyon lang yung kay unibrow may dagdag. Sexy daw. Siya na talaga mapili.

"Bakit mo natanong?" sabi niya na nakatingin parin sa akin parang naghihintay na may sabihin akong importante.

"Wala curious lang ako." Curious ako kasi baka ako ang depinisyon mo ng maganda. Pero hindi naman pala.


"Naniniwala ka ba doon sa kasabihan na kapag sinulatan mo ang tao araw-araw may chance na magkatuluyan kayo."

Nakayuko na ako noong sinabi niya iyon, nagsusulat ng pangit mo Lindsey sa gilid ng notebook ko. Busy na akong nagseself pity nung bigla niyang tanungin. Napatingin ako agad sa kanya. Pero itinabi na niya iyong upuan niya sa akin at hindi na kami magkaharap. Nakatingin na siya sa blackboard. Naghihintay. Siguro naghihintay ng sagot na takot siyang marinig kasi hindi na niya tinitignan ang mga mata ko.

"Hindi." Sagot ko. Kasi hindi naman nagkatotoo sa akin. Gusto ko sana iyong idagdag pero huwag na. dagdag nanaman sa mga bagay na pagkakaawaan ko sa sarili ko.

"Bakit..."

"Good morning class." Tumayo siya ng walang pasabi noong dumating na iyong guro. Bakit kaya niya iyon natanong.

Pagkatapos ng klase pang umaga sabi ni Prince meron daw siyang dadating na kaibigan na bibisita sa school ng lunch break. Ipakikilala daw niya ako. Ipagpapaubaya daw ako saglit sakanya kasi kailangan niyang ayusin iyong mga requirements niya sa principal. Hindi ko naman pinansin noong una kasi pakunwari akong hindi affected. Kaya nung hinila niya ako at pinakilala doon sa kaibigan niya hindi ako handa.

"Lindsey si Bee best friend ko."

Sana nagsuklay ako kahit sandali man lang. -___-

Mabait si Bee. Para siyang pinagandang version ni Mischa. Mabait at nakakatawa. Sa isang buong oras ng paguusap namin wala kaming ibang ginawa kung hindi ang tumawa.

"Oo mahilig akong magbasa. Yung mga parang patayan ganun pero mahilig rin ako sa romance at sad love story. At alam mo ba nagsusulat rin ako."

"Talaga?"

Masayang kausap si Bee. Sana nga siya nalang iyong lumipat at hindi si Prince. Hindi joke lang. Pero nung nagring na yung bell tumayo narin siya. "Next time ulit ha. Pag bibisita ako sa school ninyo usap ulit tayo."

"Oo naman."

Paalis na siya at nakita ko narin sa malayo na papalapit narin sa amin si Prince. Lumingon ulit sa akin si Bee, paglingon niya sumabay iyong mahaba niyang buhok sa agos ng hangin. Ganun din ba ako kapag lumilingon?

"Tama si Prince." 

Sabi niya sabay ngiti. Si Prince naman mukhang ewan na kumakaway sa akin parang ang tagal niyang nawala at pakaway kaway pa siya. Parang nasa airport lang. Tapos tinignan ko ulit si Bee na nakangiti sa akin. 



"Maganda ka nga."





Hihi!! ^^ #kilig


Isang Milyong Sulat 1Where stories live. Discover now