Epilogue

5.6K 222 39
                                    

Ilang taon narin ang lumipas simula nung mawala si Lindsey sa buhay ko. Pilit ko siyang hinanap. Pero anong magagawa ko, wala pa naman akong pera papuntang Canada. Pilit kong inalam ang address niya pero naging napakailap sa akin ng tadhana. Araw araw sa buong buhay kong naging duwag ako, pinarurusahan ako ng tadhana at pilit na inilalayo si Lindsey sa akin.


Kasi hindi ko naman siya talaga deserve.


Kaya para narin mapatunayan ang sarili ko, sinulatan ko si Lindsey ng Isang Milyong Sulat. Oo. Isang Milyon. Kagabi ko sinulat ang pang 999,999. Iyong pang huli? Kasalukuyan kong sinusulat ngayon sa World Literature class kung saan kinuha ko lang dahil gusto ni Lindsey ang World Literature kahit na madalas akong tulog.


At least man lang kahit hindi niya alam, mapatunayan ko naman kung gaano ko siya kamahal kasi Ano naman ang karapatan kong sabihin kay Lindsey na mahal ko siya kung noon palang naduwag na ako?


"Prince! Ano ba yan! Nagsusulat ka nanaman!" sabi ni Kenji na hanggang ngayon iisa parin ang abs.


"Wag kang magulo diyan!"


Ano ang laman ng pang isang milyong sulat ko? Simple lang naman...


LINDSEY,


Nasaan ka na? Nakumpleto ko na yung isang milyong sulat mo. Naaalala mo ba iyong sinabi mo noong gusto mong mahiga sa napakaraming sulat tapos bigla ka nalang huhugot ng isang random na sulat? Yung parang kukuha ng winner sa isang draw ang isang TV show? Eto na yun, Lindsey.


Magpakita ka naman.


Ang tagal na kitang hinahanap.


Miss na kita.


Sa isang milyong sulat na naisulat ko, at sa tagal nating nagkasama hindi ko man lang nasabi sayo na mahal kita! Tatlong taon na ang nakalipas simula noong huli tayong nagkita pero hindi nagbago ang nararamdam ko para saiyo. Mahal kita, Lindsey.


Magpakita ka naman.


Prince


Dahan dahan kong itinupi ang huling sulat ko kay Lindsey nang biglang pumasok yung professor namin.


"Napakabiglaan naman ata ng paglipat mo ng university ano na kasi ang pangalan mo?"


"Pre! Pre! Tignan mo kung sino yung kausap ni Prof!!!"


Pero hindi ko na kailangan pang tignan kung sino nang marinig ko na siyang magsalita.


"Lindsey po." Sagot ng isang boses na kahit sa isang maingay na classroom e kayang kaya ko paring makilala.




"Lindsey Marie Gueco po."



To be continued.

Isang Milyong Sulat 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon