Kabanata 8

743K 21.1K 12.6K
                                    

#JustTheStrings 

Kabanata 8 

Hindi talaga ako makakatakas.

Dahil August 19 ngayon, wala akong choice kung hindi ang makita si Parker. Nandito kasi kami sa bahay nila ngayon dahil death anniversary ng Tito niya. Parang tradition na 'to sa pamilya namin at pamilya nina Parker. Minsan, tinanong ko si Papa kung hindi ba weird sa kanya kasi ako, aaminin ko na minsan hindi ko maintindihan. Kasal sila ni Papa at may apat na anak pero minsan, naiisip ko kung mas mahal ba ni Mama iyong si Tito Parker.

Pero kapag tinatanong ko si Papa, ngiti lang ang sagot niya sa akin. Kaya okay na rin sa akin. Kasi kung kay Papa nga okay lang, ano pa ako?

Nasa dining area iyong mga matatanda at nag-uusap tungkol sa business. Matagal na kasing gustong maging magkasosyo nila Auntie Kach at Mama pero wala silang mapagkasunduan na negosyo. Magkaiba kasi sila ng hilig. At saka masyadong busy si Auntie sa Law Firm nila.

Magkausap si Kuya at Parker tungkol sa soccer. Lately, nagiging close na ulit sila at dahil 'yun parehas nilang binubully si Saint. Iyon 'yung common ground nila ngayon—ang awayin si Saint kahit wala namang ginagawa iyong tao sa kanila.

Hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila kaya naman nagfacebook muna ako. Una kong tinignan iyong mga notifications pero likes lang 'yun sa mga tagged pictures ko kasama si Kuya. Ang dami kasing nagkaka-crush 'dun. Alam kaya nila na criminal ang crush nila?

Habang nagsscroll ako, biglang nagpost si Saint sa wall ko.

Mary, Mary where are you?

Bakit hindi marunong gumamit ng messenger ang isang 'to? Binura ko muna iyong post niya dahil baka makita ni Mama. Hindi pa rin siya nakaka-get over 'dun sa kwento ni Kuya. Kahit kasi ano'ng pilit ko kay Kuya na bawiin iyong kwento niya na 'yun kay Mama, ayaw niya. Ayan tuloy, ang sama-sama ng tingin ni Mama kay Saint kahit hindi pa naman niya kilala.

Saint Iverson Gomez de Liaño: binura mo na naman. Grabe ka

Mary Imogen Suarez: sorry ulit. Kasi naman, sa message mo na lang ako kausapin

Saint Iverson Gomez de Liaño: are you embarrassed to be seen with me? </3

Hindi ko napigilan ang tawa ko dahil parang baby si Saint. Ang hilig niya rin gumamit ng heartbroken na emoji kapag nagchachat siya sa akin. Siguro iyon ang most used emoji niya.

At dahil sa tawa ko, napatingin si Kuya sa akin.

"Bakit ka tumatawa?" he asked.

Umiling ako.

"Wala."

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit nga?" tanong niya ulit.

"Wala nga, Kuya," sagot ko ulit. Ayoko na sabihin sa kanya si Saint dahil sigurado ako lalaitin na naman niya. Wala namang ginagawa iyong tao pero pagdating kay Kuya, aping-api si Saint.

Ibinalik ko 'yung atensyon ko sa cellphone ko at nagreply kay Saint. Si Kuya naman, hindi ko alam kung naniwala ba siya sa sinabi ko pero bahala na siya diyan. Kasalanan naman niya kung bakit ayaw kong sabihin. Palagi na lang kasi siyang nang-aaway kahit wala namang basis.

Mary Imogen Suarez: hindi ah.

Saint Iverson Gomez de Liaño: talaga?

Mary Imogen Suarez: oo nga

Saint Iverson Gomez de Liaño: sige nga if you really aren't embarrassed, watch my game

Mary Imogen Suarez: anong game?

Just The Strings (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα