Kabanata 28

713K 21.3K 13K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 28

'His car crashed. I don't know how serious the accident is.'

Paulit-ulit kong naririnig iyong sinabi ni Kuya. Hindi maproseso ng utak ko iyong mga salitang sinabi niya. Tila tumigil iyong mundo nung marinig ko iyong balita na iyon.

Parang biglang tumigil iyong pagtibok ng puso ko sa narinig ko. Ilang segundo na nakatayo lang ako roon at pilit na ipinapasok sa isip ko iyong sinabi ni Kuya. Hindi ako makagalaw. Lahat sila ay nagpapanic na at naghahanda na para pumunta sa ospital kung saan dinala si Parker pero ako, ni hindi makagalaw sa kinauupuan niya.

Nung isang araw lang, kasama ko pa si Parker... Nung isang araw lang, nagalit pa ako sa kanya...

Nung isang araw lang, okay pa siya.

Bakit ba nangyayari 'to?

"Are you coming?" tanong ni Kuya. Hindi ako agad nakasagot. "What? Are you coming?" parang naiinis na tanong niya sa akin dahil hindi ako agad makasagot. Hindi ko kasi alam ang gagawin. Buong buhay ko, ngayon lang nagkaroon ng aksidente sa isang tao na malapit sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko. Ang alam ko lang ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Gusto kong sabihin na sasama ako... Of course I was coming. Kailangan kong makita si Parker dahil kaibigan ko rin siya pero hindi ko lang mahanap iyong boses ko para sabihin iyon.

Lumapit si Kuya Benj sa akin at saka inakbayan ako.

"She'll come, of course, Preston. Ako na ang bahala kay Imo. Mauna na kayo," sabi ni Kuya Benj kay Kuya.

"You sure?" Kuya asked.

Kuya Benj nodded.

"Yes, susunod kami." Tumingin si Kuya sa akin. "She understands, Preston. Pumunta ka na," pagpapatuloy ni Kuya Benj bago niya napilit si Kuya na iwanan ako.

Tinignan ko si Kuya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Naka-sunod sa kanya sila Ate Jas habang ako, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.

"Are you alright?" tanong ni Kuya Benj.

I tried to nod but I couldn't. I didn't know what I felt. I knew I should feel scared—scared for Parker and all the possibilities pero sobrang dami kong nararamdaman na hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko.

"He'll be fine," he reassured.

"Sabi ni Kuya m-muntik na—"

He didn't let me finish what I was saying. Hindi ko rin kaya na sabihin 'yun. Parker and I, we had our differences but I didn't want him gone... Nararamdaman ko iyong pagsikip ng dibdib ko dahil sa naisip ko. Ni hindi ko masimulan na isipin na pwede na mawala siya. Buong buhay ko nandyan lang siya kaya hindi siya pwedeng mawala.

He's been a part of my life—both good times and in bad times. Hindi ko gusto na mawala siya... Lalo pa ngayon na hindi kami masyadong nakakapag-usap. Mas lalo lang sumikip ang dibdib ko sa ideya na pwede siyang mawala ng hindi man lang kami maayos...

"But he's still alive. He'll pull through. Masamang damo si Parker," Kuya Benj said with a reassuring smile. "So breathe, princess. Okay?" he asked and I nodded.

Nauna na silang dumating sa ospital. Nauna sila Kuya dahil alam ko naman na sa aming lahat, malamang siya ang pinaka-nag-aalala. Best friend niya si Parker kaya naiintindihan ko kung bakit bigla siyang nainis sa akin kanina... Habang nagda-drive si Kuya Benj papunta sa ospital, tahimik akong nagdadasal na sana maging okay si Parker. Hindi ko pa alam kung ano ang eksakto na nangyari sa kanya pero ang mahalaga lang sa ngayon, na ligtas siya. I just wanted him alive. Iyon lang ang importante.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now