Wattpad Original
Mayroong 20 pang mga libreng parte

Chapter 6: White Soldiers

248K 9.5K 548
                                    

DUMATING ang araw kung kalian namin ipapasa ang assignment namin. Halos alas onse na nang gabi kami natapos pero it's a relief na natapos namin ito.

Pareho kaming inaantok ni Bea na pumasok sa classroom. Napansin ko si Red na nakaupo na naman malapit sa bintana. Nang makita niya ako ay balak ko sanang batiin siya ng 'good morning' ngunit isang irap ang natanggap ko sa kanya at nagbaling na muli ng tingin sa may labas.

"Inaantok pa ako, Jasmin," humihikab na sabi ni Bea. Pagkaupo pa lamang namin sa may pwesto namin ay agad niyang idinukdok ang kanyang ulo sa may desk.

Pinagmamasdan ko lamang ang ginawa naming healing potion. Hindi ko alam kung epektibo ba itong gamitin dahil hindi naman namin siya sinubukan kagabi. Hindi ko lang alam kung naging maganda ang pagkakagawa namin dito. Inaantok na kami pare-parehas noong ginawa namin ito.

"Okay class, oras na para ilabas ang mga assignment n'yo." Pagkapasok pa lamang ni Ma'am Melanie ay iyan agad ang bungad sa amin.

Napaayos ako ng upo at inilabas ang notebook at ballpen ko. Agad ko ring ginising si Bea dahil ayokong mapagalitan siya ni Ma'am Melanie. "Ma'am, ipapasa na po ba namin?" pagtatanong ng isa sa mga kaklase ko.

"You will perform it," nakangiting sabi ni Ma'am Melanie. "Kayo lang ang makapagpapatunay kung successful nga ba talaga ang mga ginawa n'yong healing potion. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng representative and you will use the healing potion."

"But how?" mataray na tanong ng isa sa mga kambal kong kaklase—si Charmaine at ang kakambal niya naman ay si Charly. Ito ang unang beses kong magkaroon ng kambal na kaklase pero hindi sila magkamukha at magkaugali pero may isang bagay na magkaparehas sila... They both love playing pranks on others.

"You will use this knife, Miss Charmaine, at susugatan ang inyong sarili. If the bleeding stops, then it is successful," sabi ni Ma'am Melanie.

"Red, ikaw na lang ul—"

"No, ikaw ang gagawa," sabi ni Red na para bang inuutusan ako.

"Ako? Ayoko nga! Baka—"

"Ayaw mo? Sasabihin ko kay ma'am na natulog ka lang habang ginagawa namin 'yong healing potion." Nagbitiw ako ng buntonghininga as a sign of forfeit. Well, it was quite true. Nakatulog ako bago pa man namin matapos ang paggawa ng healing potion.

Marami sa mga kaklase ko ang nagperform. May mga pumasa at naging effective ang ginawa nilang potion and mayroon din naming ilang estudyanteng isinugod na sa school clinic dahil sa pagkakapalpak ng kanilang potion.

"Group# 07," pagtatawag ni ma'am at naglakad na ako papunta sa harap ng classroom habang hawak ang healing potion na aming gawa. Karamihan sa mga kaklase ko ay nakatingin sa akin.

Kinakabahan man ako ay kampante naman ako sa ginawa naming healing potion. Tumingin sa akin si Ma'am Melanie na parang sinasabing gawin ko na.

Kinuha ko na ang matalim na kutsilyo na nakapatong sa lamesa. Hinampas-hampas ko muna saglit ang aking braso to lessen the pain. Pumikit ako at hiniwa ang aking braso. Naramdaman ko ang hapdi at nagsimulang dumaloy ang pulang dugo mula rito.

Mabilis kong binuksan ang healing potion na aming ginawa at ininom ito. Habang iniinom ko ito ay unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ko mula sa aking braso at tumigil na rin ang pagdaloy ng dugo.

Hindi nawala ang sugat pero pakiramdam ko ay nasa good shape pa rin naman ang braso ko. "Very good," nakangiting sabi ni Ma'am Melanie at bumalik na ako sa aking puwesto.

"Okay ka lang ba?" pagtatanong sa akin ni Bea. "Ang daming dugo ang lumabas sa 'yo kanina."

"Yeah, okay na ako. Effective ang ginawa nating potion." Nag-apir pa kami ni Bea. Makikipag-apir din sana ako kay Red kaso tinitigan niya lang ang kamay ko at dinedma ito. Tch! Wala talagang kabait-bait sa katawan.

In-announce ni Ma'am Melanie ang aming grades at kami lang ang bukod tanging nakakuha ng "A" na grade. It was all thanks to Red and his idea to go in Polto's Forest.

Pagkatapos ng aming klase kay Ma'am Melanie ay agad kaming umalis ng classroom upang pumunta sa school field para sa sunod naming klase.

Naka-indian sit kaming nakaupo habang pinakikinggan ang sinasabi ni Sir Steven. "Kailangan n'yo lang tumingin sa mansanas na 'to." Ipinatong ni Sir ang mansanas sa lamesa.

"Magpokus lang kayo ng tingin sa mansanas and keep your body calm," pagpapaliwanag ni Sir.

Buong klase ay pinagmasdan lang namin ang mansanas at muntikan na nga akong makatulog. I swear, that's the most boring two-hour class of my life. Nakaupo lang ako at tinititigan ang mansanas.

"Saan tayo?" pagtatanong ko kay Bea. Wala na kasi kaming klase ngayong araw.

"Tara sa Vaefonia Hall!" pag-aaya sa akin ni Bea at kinaladkad ako. Sa Vaefonia Hall kasi makikita ang mga school announcement, events, or news. Katabi lang din ng Vaefonia Hall ang cafeteria kaya sumama na ako.

Nasa labas pa lang kami ay naririnig na namin ang ibang usapan ng ibang estudyante. "Start na raw ng family recruitment! Tara, tingnan natin kung ano ang magandang salihan," naririnig naming sabi at nagtatakbuhan ang mga estudyante papasok sa Vaefonia Hall.

Dahil nga na-curious kaming dalawa ay nakipagsiksikan kami ni Bea sa maraming tao na nasa tapat ng announcement board. "Excuse me. Excuse me..." Ilang minuto rin ang lumipas bago kami napunta ni Bea sa pinakaunahan.

Binasa naming dalawa ang nakapaskil. Nakita namin ang mga listahan ng mga families na nagre-recruit ng mga bagong members.

Green Armies Family
Yellow Angels Family
Blue Marines Family
White Soldiers Family
Red Rebels Family

Iyan ang mga family na nangangailangan ng mga bagong members. Naalala ko tuloy ang sinabi sa amin ni Kuya Carlo na kung wala pa raw kaming family ay sumali raw kami sa White Soldier.

Napaupo kami sa isang bench. "Ang hirap namang mamili ng sasalihang family," sabi ni Bea.

"Naku, ang swerte siguro ng mga estudyanteng makapapasok sa White Soldiers Family. Iilan lang ang mga nakapapasok sa family na 'yon eh," naririnig kong usapan ng ibang mga estudyante.

"Tara sa White Soldiers tayo sumali!" pag-aaya ko kay Bea. "Nandoon si Kuya Carlo, 'tsaka in-invite niya na rin naman tayo kagabi eh."

Pumunta kami sa may tapat ng counter at kumuha ng application form para sa White Soldiers Family. Sinagutan namin ang mga kailangan sagutan sa form then hinulog namin siya sa ballot box na may logo ng White Soldiers Family.

Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon