Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Chapter 16: Athletic Games

225K 8.5K 1.6K
                                    

DUMATING na ang araw na kinatatakutan ko. Ikalawang araw na ng Unity Festival at isa lang ang ibig sabihin nito... Ngayon magaganap ang mga palaro kung saan inilista ni Bea ang pangalan ko. Dapat pala talaga, nag-back out na ako simula pa lang. Magiging tampulan na naman ako ng tukso dahil sa pagiging lampa ko.

"Ano, Jasmin, ready ka na ba?" pagtatanong sa akin ni Bea dahil isa siya sa mga organizer sa event na 'to kaya magkasama kaming dalawa ngayon.

"Puwede bang mag-back out?" alanganin kong tanong at sumimalmal naman agad ang mukha niya.

"Hindi puwede," sabi ni Bea habang nakatingin sa list ng pangalan na kanyang hawak. "Don't worry, kasali rin naman sina Harly, Charly, Charmaine at si Red. Kayo ang representative ng klase natin."

"Si Red? Pa'no mo napasali ang lalaking 'yon sa ganitong klaseng palaro eh bihira nga lang kayong magkita," nagtataka kong tanong sa kanya.

"Inilista ko ang pangalan niya nang hindi niya alam. Kanina niya lang din nalaman kaya wala na siyang choice," natatawang sabi sa akin ni Bea. She always love doing that. Mahilig siyang mambigla at magaling din siyang mam-blockmail sa ibang tao.

"Maiwan na kita, Jasmin. Magpalit ka na ng PE uniform mo ah? Hihintayin ko kayo sa field. Kapag hindi kayo dumating, isusumbong ko kayo kay Sir Ernie para mapatakbo kayo sa quadrangle nang dalawampung beses habang kumakanta ng tatlong bibe," babala niya sa akin at nagbitiw na lamang ako ng buntonghininga at 'tsaka tumango sa kanya.

Naiwan na naman akong mag-isa. Matapos kasi naming mag-ikot kanina nina Rhian at Marie ay agad akong bumalik sa Marsham Division para tumulong sana sa aming booth. Kaso umepal na naman yung dalawang kambal at pinaalis nila ako. Hindi ko alam kung ano bang problema ng kambal na 'yon at ang laki ng galit sa akin.

Si Charmaine ay maiintindihan ko pa kasi crush niya si Red, at medyo close kami ni Red. Pero si Charly... hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit. Baka crush niya rin si Red? Naku! Sinasabi ko na nga ba! Pink din ang dugo ng Charly na 'yon.

"Oh, nakita na naman kitang mag-isa." Napabalikwas ako at medyo napaatras nang biglang may magsalita sa tabi ko.

Napalingon ako sa kanya at mabilis na tiningnan ang kanyang mukha,. "Ikaw lang pala, Harly. Ang hilig mo talagang sumulpot-sulpot. Kabute ka ba sa dati mong buhay?" pagtatanong ko sa kanya at isang malutong na tawa lamang ang natanggap ko sa kanya.

"Nagkakataon lang na nakikita kita. Oh ba't hindi ka pa nakabihis? Malapit nang mag-start yung athletic game," sabi sa akin ni Harly at nag-stretching siya sa harap ko.

"Kinakabahan nga ako dahil baka mapahiya lang ako ro'n eh. Alam n'yo namang hindi ako magaling sa kahit anong physical activities." Napayuko ako. "Baka ako lang ang maging dahilan ng pagkatalo ng team natin eh."

"Ano ka ba!" Isang malakas na tawa ang sunod kong narinig. "Wala namang kaso sa section natin kung manalo o matalo tayo. Ang gusto lang naman ni Bea in the first place ay mag-enjoy ang section natin sa Unity Festival na ito. Kung matalo man tayo, may next year pa!"

Napangiti naman ako sa binanggit ni Harly at kahit papaano ay napagaan niya ang loob ko. "'Tsaka nandoon ako. Kung mapahiya ka man, sasamahan kitang mapahiya... W-were friends afterall." Umiwas ng tingin sa akin si Harly.

"Salamat ah? Sige, magpapalit lang ako ng damit." Itinuro ko ang girl's C.R. at tumango naman siya as a sign that he's giving me permission to leave.

Pumasok ako sa C.R. upang magpalit ng damit ko and accidentally, nandito pala ang nagmamalditang kaklase ko. "Hoy, Jasmin, umayos ka. Huwag kang magiging dahilan ng pagkatalo natin kasi gusto kong mag-leave ng magandang impression kay Red," pagbabanta sa akin ni Charmaine. Sobrang vocal talaga ng babaeng 'to na crush niya si Red. Wala naman akong tutol do'n, eh 'di magsama sila.

Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon