Wattpad Original
There are 18 more free parts

Chapter 8: Raven

278K 9.4K 1.1K
                                    

NATAPOS ang araw na 'yon at hindi na ako naka-attend sa mga sumunod kong klase dahil bilin ng nurse na magpahinga na lang muna raw ako.

Naalala ko pa ang ginawa ng nurse sa paa ko kanina. Hinawakan niya lamang ito at nawala na bigla ang sakit na nararamdaman ko. Parang sa isang iglap ay naging maayos na muli ang aking nararamdaman.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako nagugulat kapag nakakakita ako ng mahika. Siguro ay tuluyan na akong nakapag-adapt sa environment dito sa Altheria Academy.

Habang naglalakad kami ni Bea ay pansin ko ang school committee na nasa tapat ng mataas na pader ng Altheria at mukhang may spell sila na ginagawa rito dahil nagliliwanag ang pader sa tuwing kinukumpas nila ang kanilang kamay.

"Anong ginagawa nila?" pagtatanong ko kay Bea habang nakaupo kami sa isang bench na nalililiman ng isang mataas na puno. Hindi rin pumasok si Bea dahil nag-aalala raw siya para sa akin.

"Siguro ay tinataasan ang security level ng pader. Malapit na kasi ang unang event dito sa Altheria. Baka sinisigurado lang nila na magiging safe ang lahat ng estudyante." Napatango-tango na lamang ako sa sinabi ni Bea.

"Tara na, bumalik na tayo sa dorm. Wala na rin naman tayong gagawin dito at bandang hapon na rin naman." Inaya ko na siyang bumalik dahil masyado akong napagod.

"Hindi mo man lang ba pinasalamatan si Red?" pagtatanong ni Bea kaya napatigil ako panandalian sa paglalakad.

"Nakalimutan ko, masyado kasi akong nakapokus sa sakit na nararamdaman ko kanina. Noong hinatid niya naman ako sa clinic eh agad din naman siyang umalis kaya nakalimutan ko nang mag-thank you sa kanya."

"Ano ba 'yan! Kapag nagkita kayo, mag-thank you ka para sa kabutihang ginawa sa 'yo ni Red," pangongonsensya sa akin ni Bea. Nakarating kami sa may dorm room namin at kumain kami ng hapunan.

"Nakapagtataka 'yong sinabi ni Charly kanina 'no?" pagbubukas ng topic ni Bea. "Paano niya kaya nasabi na kumislap 'yang kuwintas mo? Totoo bang nagigising na yung magi mo sa katawan?"

"Kung nagigising yung magi ko, paniguradong mararamdaman ko naman 'yon. Kaso wala naman akong unusual na naramdaman," pagkukuwento ko sa kanya at napatango-tango naman siya. "Baka nasinagan lang ng araw ang kuwintas ko kaninang umaga kaya akala niya, kumislap."

"Sa bagay, hindi naman puwedeng maging advance ka kasi sabay-sabay lang naman tayong nagpa-practice 'tsaka parehas tayong hindi nag-e-excel sa bawat subject." Natawa naman ako sa sinabi ni Bea.

Tumatakbo sa isip ko kung totoo 'yong sinabi ni Charly. Sabi ng utak ko ay nagsisinungaling lang si Charly pero base sa kanyang ikinilos kanina... parang gusto ko nang maniwala.

Dumating ang gabi at hirap pa rin akong makatulog. Si Bea naman ay mahimbing nang natutulog na nasa aking tabi. Bumangon ako panandalian at napatingin sa bintana sa labas.

Nakikita ko pa rin ang mga committee na patuloy na ginagawa ang pader ng Altheria. Napangiti ako dahil nakakatuwang pagmasdan ang mahikang kanilang ginagawa. Parang sumasayaw sa saliw ng musika ang pader dahil umiilaw ito at napaliligiran ng maliliit na bituin sa paligid.

Habang nakatingin ako sa labas ay napansin ko ang isang uwak na nakadapo sa isang malaking puno. Napatitig ako maigi sa uwak na ito at para bang may sariling isip ito dahil nakatingin lamang ang uwak sa akin. Ilang segundong tumagal ang pagtitig nito sa akin bago lumipad palayo. Weird.

Sa pagtingin ko sa pader ay dinapuan na ako ng antok kaya naman natulog na ako.

"Jasmin, gumising ka na." Naramdaman ko ang kamay na mahinang tinatapik ang aking pisngi. "Bilisan mo, male-late ka sa klase ni Miss Melanie kapag hindi ka pa bumangon."

Altheria: School of AlchemyWhere stories live. Discover now