Wattpad Original
Masz jeszcze 15 darmowych części

Chapter 11: Battle in Polto's Forest

218K 8.2K 668
                                    

JASMIN

KINAKABAHAN ako habang pinagmamasdan ang namumuong tensyon sa pagitan ni Carlo at ng miyembro ng Raven Clan na nagpakilala bilang si Klein.

"Anong kailangan mo kay Jasmin?" pagtatanong ni Carlo habang matalim na titig ang ibinibigay niya kay Klein. Nasa loob pa rin kami ng mga ugat na ginawa ni Carlo na nagsisilbing proteksyon sa amin. Sumisilip lamang ako upang makita ang nangyayari.

"Hindi mo na kailangan malaman." Ikinumpas ni Klein ang kanyang kamay at may dalawang lobo na lumabas sa magkabila niyang gilid.

"A-ano ba ang nangyayari?" natatakot na tanong ni Bea at napayakap na lamang ako sa kanya.

CARLO

HINDI ko alam ang nangyayari o kung ano ang kailangan nila kay Jasmin pero hindi ako makapapayag na galawin nila ang kahit sinong miyembro ng White Soldiers.

Ilang beses na kaming binabalaan ng aming mga guro sa Altheria na kung may grupo raw ng tao na dapat naming iwasan, iyon ang Raven Clan. Grupo ito ng masasamang alchemist at para malaman kung isa silang miyembro ng Raven Clan, iyon ay ang tattoo na parang singsing sa kanilang palasingsingan na daliri.

Sinugod ako ng dalawang lobo at agad kong binuksan ang libro kong hawak at nagbigkas ng spell.

May mga malalaki at matutulis na ugat ang humabol sa mga lobo ngunit masyadong matulin ang dalawang ito. "Kaasar." Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Kung nasa isang normal na labanan lang ako ay malaya akong makatatakbo upang magtago o ipahinga ang magi ko, pero hindi ako puwedeng lumayo kina Jasmin sa pagkakataong ito. Si Jasmin ang habol ng lalaking 'to at kailangan ko siyang protektahan.

Sinugod ako ng isa sa mga lobo at agad kong iwinasiwas ang aking kaliwang kamay at may sanga ng puno na biglang sumangga sa ginawang atake ng lobo.

Pinagmasdan ako ni Klein. "Hindi na masama para sa Wanester student na kagaya mo," sabi niya sa akin.

"Hindi ako naging miyembro ng White Clan para sa wala lang." Inilagay ko sa likod ang aking kaliwang kamay at patagong iwinasiwas ito upang gumawa ng spell.

Nagulat na lamang siya nabg may biglang mga ugat na kumapit sa kanyang mga paa dahilan upang hindi siya makagalaw.

Ipinitik niya ang daliri niya at nasunog ang mga ugat na nakakapit sa kanyang paa.

Hindi maaari. Kung apoy ang specialty niya, may disadvantage ako lalo na't nature ang kino-control ko.

Napasigaw na lamang ako sa sakit nang biglang may matatalim na pangil ang bumaon sa aking binti. Masyado akong nagpokus kay Klein at nakalimutan kong may dalawang lobo pa nga pala ang nandito.

"Carlo!" malakas na sigaw ni Jasmin.

Akmang lalabas siya sa proteksyon kong ginawa sa kanila. "Huwag! Sa oras na lumabas ka, kukuhanin ka niya! Manatili ka lang d'yan!" malakas kong sigaw habang tinitiis ang sakit na nararamdaman ko sa aking binti.

Kung may priest o illusionist lang sana akong kasama sa laban na 'to ay paniguradong matatalo ko siya eh. Kaasar. Pride ng White Soldiers ang nakataya rito.

"Kalikasan, ipahiram mo sa akin ang iyong lakas!" malakas kong sigaw at nagkaroon ng liwanag sa aking tapat. Unti-unting lumabas dito ang isang espada na napalilibutan ng tinik.

Ito na lang ang huli kong pag-asa. Hindi ko alam kung kakayanin ito ng katawan ko dahil malaking pursyento ng magi ang aking kailangang ilabas habang ginagamit ko ang espada.

Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking hita at agad sinugod ang isa sa mga lobo. Hiniwa ko ito gamit ang espada at nawala na parang abo ang isa sa mga lobo.

Napalingon ako nang biglang may isang fireball na papunta sa direksyon nina Jasmin. Agad akong nag-cast ng spell at nagpatubo ng isang malaking puno upang sanggahan ang fireball. Lumikha ito ng malaking pagsabog.

Napaluhod ako bigla sa damuhan dahil sa nararamdaman kong panghihina. Ito ang unang beses na nagamit ko ang lahat ng magi ko.

"Bago ko kuhanin ang batang may kakaibang lakas, uunahin muna kitang pakialamero ka." Ibinuka niya ang kanyang kamay at may maliit na baga ng apoy ang lumabas dito.

Habang papalapit siya nang papalapit sa akin ay unti-unting lumalaki ang apoy na nasa kanyang kamay at masama akong tinititigan. "Katapusan mo na at makukuha na rin namin ang babaeng may kakaibang mahikang taglay."

Habang lumalakad siya papalapit ay lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Sinubukan kong tumayo ngunit maraming dugo na ang nawawala sa akin dahil sa kagat ng lobo kanina. Mahina na rin ang katawan ko dahil nagamit ko na ang magi sa aking katawan. Baka kung magpapatuloy pa ako ay hindi ko na makontrol ang magi na lalabas sa aking katawan na magiging sanhi ng aking pagkamatay.

Akmang ibabato niya na sa akin ang fire ball ngunit may isang tao na tumungo sa kanya kaya naman napigil ang mahika na kanyang ginagawa.

"R-Red!?" malakas kong sigaw. "Anong ginagawa mo? Tumakas na kayo!" Hindi ko alam kung paano siya nakalabas sa mga ugat na ginawa ko... pero lubhang delikado ito para sa kanya dahil hindi pa niya alam gumamit ng mahika.

"Hindi! Poprotektahan kita! Ako ang may kasalanan kung ba't tayo nandito!"

This is the reason why Red was chosen to be part of White Soldiers. He's a risk taker.

"Ang lakas ng loob mong bata ka!" Malakas na sinuntok ni Klein si Red dahilan upang mapasubsob ito sa damuhan. Gusto sanang lumapit sa amin ni Jasmin pero mabuti na lamang at pinipigilan siya ng kaibigan niyang si Bea.

Dahan-dahang tumayo si Red. Sinubukan ko pang mag-cast ng spell pero hindi na talaga sapat ang aking lakas. "Tumakbo na kayo, Red! Itakas n'yo si Jasmin dito!"

Unti-unting lumapit kay Red ang isa pang lobo. "Red, tumakbo na kayo!"

"Poprotektahan ko kayo!" malakas na sigaw ni Red at biglang may liwanag na lumabas sa kanyang kuwintas.

Hindi maaari... Unti-unti nang nagigising ang magi ni Red. Red is a very special student. Ngayon lang ako nakakita ng estudyante na nagising ang kanyang magi in just a month. Unti-unting nagkakulay ang loob ng kanyang kuwintas. Kulay pula.

Lumakas ang ihip ng hangin at unti-unting may namuong buhawi sa kinalalagyan naming. Napapikit na lang ako sa aking kinauupuan. Red is a Magic Swordsman at kaya niyang kontrolin ang hangin... Base iyon sa biglang pag-ilaw ng kanyang kamay.

Palakas nang palakas ang hangin at naglaho na ang lobo. I don't know what will happen next, pero masama ito... Hindi pa alam ni Red kung paano kontrolin ang magi niya kaya naman at this rate... hindi pa kakayanin ng katawan niya. "Pigilan n'yo siya!" malakas kong sigaw ngunit dahil sa lakas ng hangin ay imposible naman na marinig nila ako.

Unti-unting nawala ang hangin at bumagsak na lamang ang katawan ni Red sa lupa. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil unti-unti na akong nawalan ng malay dahil sa panghihina ng aking katawan.

JASMIN

HALOS mapahagulgol ako sa iyak nang makita ang nakabulagtang katawan nina Red at Carlo sa damuhan. Napayakap kami ni Bea sa isa't isa at parehas nanginginig ang buo naming katawan.

"Ngayon, sumama ka na sa akin, Jasmin, kung ayaw mong madamay pati ang kaibiga—"

"Sinong nandiyan!?" Malakas na tinig na narinig namin sa hindi kalayuan. Si Sir Steven at si Sir Ernie. Parehas silang mabilis na tumakbo nang makita ang kalagayan namin.

"Masuwerte ka, Jasmin, pero sisiguraduhin ko sa 'yong magkikita pa tayong muli." Tumakbo palayo si Klein at unti-unting nagbagong anyo bilang uwak. Lumipad ito palayo.

"Ayos lang ba kayo?" pagtatanong sa amin ni Sir Ernie habang si Sir Steven naman ay tumakbo patungo kina Carlo at Klein.

Unti-unti akong nawalan ng malay dahil sa pagod. Sana ay ayos lang sila.

Altheria: School of AlchemyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz