Vampire with a Wolf Blood

8.8K 172 46
                                    


Zaiden


Makalipas ang limang araw, narating namin ang Wise Oak Deaths Gate. Nakatayo kami sa harap ng isang itim, makapal at mataas na gate.

"Paano tayo makakapasok?" tanong ni Zaq.

Lumingon-lingon kami sa paligid.

"Isang spell ang kailangan natin para mabuksan ang gate."

Napalingon kami kay Nazar. "Alam mo ba ang spell?"

Tumango ito bilang pagsang-ayon. Kinuha niya ang kanyang wand. Itinaas.

"Cuniculum Mortis!"

Bahagyang umilaw ang dulo ng wand ni Nazar. Ilang sandali pa, naririnig na ang langitngit mula sa malaking gate. Kahit hindi nagsasalita ang sinuman sa amin, nakikita ko sa mga mukha nila ang kaba. Nagsimula kaming maglakad papasok.

Miranda

"Anong nangyayari sa anak ko Old Elf?" tanong ko

Mula ng iuwi nina Castor at Zaiden ang aking anak, hindi na siya katulad ng dati. Palagi siyang nagkukulong sa kanyang silid. Noong isang araw lang ay naabutan ko siyang walang malay sa kanyang silid habang nakahiga sa mga bubog mula sa nabasag na salamin.

"Hindi ba nasabi ni Nazar sayo?" tanong ng Old Elf

"Ano po ang dapat sabihin ni Nazar? Wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa aming anak." Sabi ko

Huminga muna ng malalim ang Old Elf. "Ang kwento ng mga bata kay Nazar, naabutan nilang yakap yakap ng isang lalaki ang aking apo, hindi nila kilala kung sino dahil nakatalikod ito."

"Anong nakayakap na lalaki? Sinong lalaki yon?" tanong ko

"Hindi kilala ng mga bata, ngunit nun dumating sila dito at walang mala yang iyong anak, naramdaman ko ang kanyang aura." Sabi ng Old Elf

Naglakad ito papalapit sa akin. Nakaupo kasi ito kanina sa kanyang study table sa loob ng library nito.

"Malakas ito at nakakatakot. Sa aking obserbasyon, nagising na ang dalawang kapangyarihan niya mula sa mga Guardian. At dahil hindi niya kayang kontrolin ito, mas madali siyang mapapahamak. Alam kong alam mo ang aura na nararamdaman mo ilang araw na ang lumipas ay mula sa iyong anak." Sabi ng Old Elf

Tama ang Old Elf, nararamdaman ko din ang malakas na aura sa paligid ng aking anak, ang buong akala ko ay normal lamang iyon. Nagkamali ako.

Oceane

Nakita kong pumasok sa library ni lolo si Mama, ako naman ay umalis ng bahay. Wala si Castor, hindi ko rin nakikita si Zaiden. Gusto kong malaman kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos magdilim ang aking paningin.

Malayo-layo narin ako sa Elfwood sakay sa aking broomstick ng sumabay sa akin si Reedwick. Nakasakay din ito sa broomstick.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

Hindi ako nagsalita.

"Pwede ba akong sumama sayo?" tanong ulit ni Alaister

"Leave me alone.." sabay tingin ko sa kanya ng masama.

"You know, you can ask me anything.." sabi pa nito

" You talk like you know what's going on." Sabi ko naman

"Yes I know..." sabi naman ni Alaister

Lumipad ako pababa ng gubat. Sumunod naman siya.

"Let's see.. anong alam mo?" tanong ko

Academy of Witchcraft and Wizardry Book ThreeWhere stories live. Discover now