Killings

5.8K 110 14
                                    

Zaiden

KUMATOK MUNA AKO SA SILID kung saan pansamantalang natutulog ang mag asawa nina Zaq at Seda. Si Seda ang nagbukas ng pintuan. Mula sa aking kinatatayuan, mapapansin na masayang buhat buhat ni Zaq ang kanyang bagong silang na anak. Sa posisyon na iyon ni Zaq, Masaya ang aura na nakapalibot sa kanya at sa kanyang anak.

Naisip ko kung ganito ba kasaya si Dad nun isinilang kami ni Kuya Justin noon. Bahagya aokng nakaramdam ng lungkot ng maalala ko na wala na nga pala si Dad, si Kuya Justin naman ay hindi lumalabas sa bahay at halos nagkikita lang kami sa tuwing uuwi doon.

"Gusto mong makita ang munti kong anghel?" tanong ni Seda

Hindi ko napansin na nakatingan pala siya sa akin. Bahagya akong pinamulahan ng mukha.

"Ha? H-huwag na, nakakahiya." Sabi ko

"Ayos lang, halika." Sabi ni Seda sabay hila sa aking kamay papasok sa loob ng silid.

Nakangiti naman na inilapit ni Zaq ang bata sa akin para makita ko.

"Ang cute naman.." sabi ko

Nakangiti kasi sa akin ang sanggol, mataba ito at maputi.

"Gusto mo buhatin?" tanong ni Zaq

"H-ha? H-hindi na hindi ako marunong. Baka bumagsak pa siya sa akin." Sabi ko

"Ano ka ba? Madali lang yan, teka." Sabi naman ni Seda

Maingat na inilipat ni Zaq ang baby sa aking mga braso na inayos ni Seda para hindi malaglag ang baby. Ilang sandali pa nga ay karga ko na ang baby, hindi ito umiiyak at palaging nakangiti. Magaan lang ito kahit pa malulusog ang kanyang mga binti at katawan.
Nilaro ko pa ang baby, napangiti ako habang pinagmamasdan ang anak nina Seda at Zaq.

"Masarap magkaroon ng baby." Sabi ni Seda.
"Ngunit dahil bata ka pa, mag aral ka muna, sa tamang edad magiging magulang ka din katulad namin."

Ngumiti lang ako, iisa lang naman babae ang gusto kong maging ina ng magiging anak ko. Kinuha ni Seda ang bata sa akin, nang maibigay ko sa kanya ang baby saka ko sinabi ang sadya ko sa kanila.

"Zaq, Seda gusto nga pala kayo makausap ni Old Eld sa library, nandun na silang lahat, tayo na lang ang hinihintay." Sabi ko

"Ah ganoon ba? Sige, Zaq puntahan natin si Old Elf." Sabi ni Seda

"Sige, tayo na." sabi naman ni Zaq

Pagpasok namin sa library, nakahanda na ng lahat sa ibabaw ng study table. Mukhang kakatapos lang gawin ni Old Elf ang potion para hindi maging lobo si Seda tuwing kabilugan ng buwan.

"Halika Seda." Sabi ni Old Elf

Iniabot ni Seda ang baby kay Zaq, maingat naman itong binuhat ni Zaq habang idinuduyan niya ito sa kanyang mga braso.

Iniabot ni Old Elf ang isang basong kulay brown na inumin, sa amoy pa lang ay masusuka ka na. Napansin kong napalunok si Seda habang hawak niya ang baso.

"Kailangan maubos mo yan Seda." Sabi ni Old Elf

Habang iniinom ni Seda ang potion, nilapitan naman ni Nazar si Zaq, sinilip nito ang baby na mahimbing nang natutulog.

"Ang gandang bata, parang si Oceane ko noong bagong panganak pa lang sa kanya ni Miranda." Sabi ni Nazar

Sumunod naman na lumipit kay Zaq ay si Miranda na inayos pa ang cover ng bata habang hawak ng kanyang ama.

Biglang umiyak ang baby, nagulat pa si Zaq, agad niyang isinayaw ang katawan habang karga ang baby para muli itong makatulog ngunit hindi tumigil sa pag iyak ang baby. Nagsimula naman mataranta si Zaq.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book ThreeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin