AWW Backtrack Book 1: The Academy

1.2K 21 0
                                    

UNANG araw pa lang ni Oceane sa Academy nakaramdam siya ng lungkot ng malaman niya na hindi sila magkasama at magkaklase ni Jacob, ang childhood bestfriend niya. Dahil doon nawalan sila ni Jacob ng communication sa Academy. Bilang kapalit ng pangungulila niya sa matalik na kaibigan, si Zaiden Alfiro ang kusang lumalapit sa kanya para makipag kaibigan at maging komportable siya sa mundo ng mga wizards.

Nararamdaman din niya na may pagtingin si Zaiden Alfiro sa kanya. Akala niya ay katapusan na niya ng bisitahin siya ng batang bampira sa kanyang silid na siyang nagpadala kay Zaiden Alfiro sa detention sa Racmea. Dahil sa nangyari naisip ni Headmistress na gawing protector pansamantala si Zaiden Alfiro para masigurong ligtas ang Infinity.

Iba naman ang naging pakiramdam nya ng malamang isa pala siyang pureblood. Ang kanyang mga magulang ay pureblood na witch at wizard, kaya naman alam niya na di siya outcast sa mundo ng mga ito. Sumama sa kanyang pagtawid sa kabilang mundo si Zaiden Alfiro dahil na rin sa pagtupad sa pangako niya kay Headmistress na protektahan si Oceane mula sa batang bampira.

Ngunit natakot si Oceane ng malaman na sinundan siya ng bampira sa kanilang mundo. Gaya ng unang reaksyon, natakot siya sa batang bampira, ngunit di rin niya inaasahan na mabait pala ito at siyang palaging nagliligtas sa kanya sa panganib.

Nasubukan niya ito ng atakihin sila ng Soul Eater sa mismong gabi ng kanyang kaarawan na siyang ikinasawi ni Jacob. Nagluksa ang lahat ng nakaalam sa pangyayari. Unang pagkakataon kasi na may namatay na mortal sa Academy at ikinalungkot ito ng lahat. Gayon pa man hindi niya sinisi si Zaiden Alfiro.

Matapos ang pangyayaring iyon, hindi rin niya inaasahan ang sumunod na pangyayari. Si Zaiden Alfiro na matalik niyang kaibigan at pinagkatiwalaan ng kanyang buhay ang siyang magpapahamak sa kanya. Ipinagkanulo siya nito kanyang Ama na si Valkoor para maibigay sa Darl Lord na si Baragor.

Tulad ng inaasahan hinanap siya ng kanyang mga magulang para iligtas kay Baragor sa tulong na din ni Zaiden Alfiro. Katulad ni Nazar, wala rin tiwala ang batang bampira na si Castor kay Zaiden Alfiro dahil na rin sa ginawa nito sa Infinity. Bilang pagtanaw ng utang na loob kay Miranda, sa pag aalaga at pagtanggap kay Alfiro sa kabila ng kanyang nagawa, tinulungan niyang mahanap ang kinaroroonan ni Oceane.

At gaya ng ibang katapusansa kwento, nawala ang lahat kay Zaiden Alfiro, ito ang kapalit ng kanyangpagtatraydor sa kaibigan at babaeng iniibig.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book ThreeWhere stories live. Discover now