Knight of Darkness

4.2K 76 8
                                    

Zaiden

Napabalikwas ako sa kama.

'Asan ako? Anong nangyari kanina?'

Naalala ko, matapos namin magkwentuhan ni Oceane sa sala ng dorm ay inihatid ko siya sa silid niya. Ako naman ay bumalik sa silid ko, ngunit may kakaiba akong aura sa di kalayuan, pamilyar na aura. Mabilis akong lumabas ng dorm at hinanap ko ang aura na iyon. Sa may gate ng Academy ko natagpuan ang may ari ng aura. Nakatayo doon si Gaeia, nakatingin sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba, ikaw ang may ari ng aura na iyon." Sabi ko sabay lapit sa kanya. "Paano mo nagagawang utusan ang aura mo?"

"Madali lang naman, Zaiden. Gusto mo bang ituro ko sa'yo?" nakangiti nitong tanong sa akin

"Hindi na. Anong kailangan mo? Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ko

Imbes na sumagot siya, isang kakaibang spell ang binigkas niya, dahilan para bigla akong makatulog at bumagsak sa damuhan.

Lumingon lingon ako sa paligid. Kilala ko ang silid na ito. Mabilis akong tumakbo pababa ng kama at lumabas ng silid. Tama nga ang iniisip ko.

"What did you do?" galit kong sabi sabay sugod kay Gaeia.

Hindi ako makakilos. Di ko napansin na hawak niya ang wand niya at nag cast siya ng spell.

"Good Morning!" nakangiti nitong sabi sabay halik sa labi ko

"Napipikon na ako sayo Gaeia." Inis kong sabi

"Oh bakit naman?" Hinagod ng mga daliri niya ang buhok ko.

"Mag usap tayo." mahinahon kong sabi.

Tumitig pa siya sa akin.

"Gaeia we need to talk okay?"

"Wala naman tayo dapat pag usapan mahal ko."

"Please! Dispell this and I promise I will behave. We just need to talk."

Sa paawa style ko, nagawa kong pasunurin siya. Tumitig muna ako sa kanya saka hinawakan ang kamay niya para hilahin siyang maupo. Naupo siya sa tabi ko. Hawak ko pa rin ang kamay niya.

"Gaeia.... Why are you doing this?"

"Isn't it obvious? I like you, Zaiden."

"You know that..."

"Sinabi ko na sayo dati pa, I don't care about her. Just leave her."

"Hindi ko magagawa yon."

Tumayo si Gaeia."Why? Bakit di mo kayang gawin? Ganyan na ba talaga kalalim ang nararamdaman mo para sa kanya? Na kahit ako na matagal mo ng kakilala ay tatalikuran mo para lang sa babaeng iyon?"

"Aalis na ako." sabi ko habang papalabas ng pintuan ng kanyang bahay.

"Hindi ka makaka....ang wand ko."

Kinapa niya ang buong katawan niya kakahanap ng kanyang wand.

"Ibabalik ko ito sayo oras na makalabas na ako ng bahay mo."

Academy of Witchcraft and Wizardry Book ThreeWhere stories live. Discover now