Chapter 1 ♥ Meet Yumiko

744K 9.7K 399
                                    

Yumiko POV

UMAGA.

“Yumiko!”

Tumakbo ako pasunod kay Mama. Pinapatawag kasi kami ni Papa sa library. Ewan ko kung bakit.

Nang makapasok kami dito sa library sa mansyon namin, naupo agad ako sa silya. Mukhan seryoso si Papa.

“Yumiko, iha.”

“Yes, Pa?”

“In one month, we're going to Philippines.”

What? Bakit kaya?

Dito kasi kami sa Japan. Dito kami nakatira. Pupumunta lang kami sa Pilipinas for vacations. Pero minsan lang yun. “Why 'Pa?”

“Dahil in one month, makikilala mo na ang fiance mo.”

Tch. As usual, arranged marriage. Hindi na ako nagulat. Sanay na ako. Kung kani-kanino na nga ako nai-arranged marriage pero ginagawa kong miserable ang buhay ng nagiging fiance ko para sila mismo ang umayaw at umatras sa mangyayaring kasal. Haha. Anong akala nila sakin? Hmp!

“Okay 'Pa.”

“Ayusin mo na lahat ng pwede mong ayusin sa school mo dahil magta-transfer ka na din sa Pilipinas. Okay? Ako na din ang bahalang mag-provide na titirahan mo dun. Ihahatid lang kita. Mga 3days aalis na ulit ako pabalik dito. I know you can handle yourself and I'm sure na aalagaan ka namang mabuti ng magiging fiance mo.”

Tumango ako. “Yes 'Pa.”

“Now, you can go.” utos ni Papa. See? Ganyan lang kadali ang usapan. Common nalang sakin ang usapang arranged marriage.

Di pa pala ako nagpapakilala. I'm Yumiko Hayashi. Pure Japanese pero yung Step Mom ko, Filipina kaya natuto akong mag-tagalog. Gusto rin ni Papa na nagtatagalog kami 'pag magkaka-usap kami, yun kasi ang order ni Mama. Oo, Mama na yung tawag ko sa step mom ko.

My real mother died nung pinanganak niya ako kaya ayun. I'm 18 years of age. Single. Kung sa ugali ang pag-uusapan, mataray ako pero mabait, maloko, pilosopang babae at mahilig mambwisit. That's me.

Maingay din ako at laging pasigaw. Haha. Wala, trip ko lang. Hindi ako magalang pero rumirespeto ako ng tao. I have lots of suitors pero wala akong pakialam sa kanila. Psh.

Sino naman kaya ang ma-swerteng bagong fiance ko? At sa Pilipinas pa? So he is a filipino? I heard mapagkumbaba at pasensyoso daw ang mga filipino, well let see.  

Marry YouWhere stories live. Discover now