Chapter 18

402K 6K 375
                                    

Yumiko POV

Kakababa ko lang dito sa dining area para maglunch. 

Naabutan ko ang magkapatid. Magkatapat sila. Saan ba ako tatabi? Kay Lance o kay James?

Psh. Syempre kay James. 

"Yumi." Si James nakangiti sakin habang nakaturo dun sa upuan na katabi nya. Means, dun ako umupo sa tabi nya. 

Umupo naman ako. Napatingin ako kay Lance. Sama ng tingin. Inaano ko ba sya? Psh. 

"Aww..." Shocks lang. Kumikirot na naman braso ko.

"Masakit braso mo?" Tanong ni James. Halata sa mukha nya na nag-aalala sya. 

Tumango ako. "M-Medyo kumirot."

"Don't worry susubuan nalang kita para makakain ka okay?" Sweet na sabi ni James. 

Pagkasabi nun ni James, sa isang iglap nahila na ako ni Lance patayo. Napatayo tuloy ako. Hawak nya pa isang braso ko. Yung walang cast. 

"Bro anong ginagawa mo?" Tanong ni James. 

Di ako makapagsalita. Medyo nagulat ako sa ginawa ni Lance tapos kumikirot pa braso ko. Parang wala ako sa mood magsalita tuloy. 

Hindi pinansin ni Lance yung tanong ni James. Sa halip, tumingin sya sakin. Seryoso. "Dun ka na kumain sa kwarto mo kung makirot ang braso mo. Sasamahan kita." Cold na sabi ni Lance. 

"P-Pero.."

Naputol na sinabi ko nung sinigawan ni Lance yung katulong. "Maghatid ka ng pagkain sa kwarto ni Yumiko. Ngayon din." Utos ni lance saka hinila ako. 

Paakyat na kami ng hagdan. Hawak pa din nya ako sa braso. "Ano bang ginagawa mo?" Mataray na tanong ko. 

Kasi medyo naiinis nako sa inaasal nya. Diba wala naman syang pakialam sakin? Bakit nya ginagawa 'to?

Hindi sya sumasagot. Hila hila pa din nya ako paakyat hanggang makarating kami ng kwarto ko. 

Then the moment na makapasok kami, sinara nya agad yung pinto. Para syang nagdadabog. Napasandal tuloy ako sa pintong sumara.  

"Ano bang problema mo Lance?!" Galit na sigaw ko. Hindi ko na sya maintindihan. 

Nakatitig lang sya sakin. Nakatukod yung dalawang kamay nya sa pinto kung saan ako nakasandal. Magkalapit yung mukha namin. Yung mata nya galit. Ano bang nagawa ko?

Nararamdaman ko na naman kumikirot yung braso ko pero hinahayaan ko nalang. Nakipagtagisan ako ng tingin kay Lance. Hindi nako natutuwa sa ginagawa nya, sa pinapakita nya!

"What now Lance? Pwede bang iwan mo nalang ako?!" Sigaw ko kahit magkalapit lang mukha namin. 

He remained silent. Nakatitig lang sya sakin. 

"Lance."

Anong ginagawa nya? Ayan na naman sya. Bakit hinahalikan na naman nya ko? 

He's kissing me torridly. Diko alam pero kusa akong tumutugon habang naka-freeze pa din yung katawan ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya pero diko naman sya matanggihan sa tuwing hahalikan nya ako. Given na yung fact na mahal ko na sya pero diba sabi ko sa sarili ko, pipigilan ko na? Kakalimutan ko na nararamdaman ko sa kanya? Bwisit namang puso 'to. 

Tumigil sa paghalik sakin si Lance pero malapit pa din yung mukha nya sa mukha ko. Diretso pa din syang nakatingin sa mukha ko. "Gulung-gulo na ang isip ko Yumiko!" Sigaw nya. 

Napakislot ako. Nagulat ako. Galit sya. "Ano bang ginawa ko.."

"Damn it! Don't act as if you don't know!"

Marry YouWhere stories live. Discover now