Chapter 17

422K 6.9K 2.6K
                                    

Yumiko POV

Bilis dumaan ng araw. Lumabas na nga pala ako ng ospital.

Si James nagsundo sakin. Sino paba? Ano namang aasahan ko sa fiance ko? Psh.

Pababa na kami ng kotse. Dito na kami mansyon.

Pagpasok ng mansyon sinalubong kami ni Lance. Aba himala. Sabagay sabado nga pala ngayon. Walang pasok.

May cast nga pala yung braso ko. Dahan-dahan ako naglakad papasok ng mansyon.

"James akina yang bag nya. Ako na maghahatid sa kaniya sa kwarto nya. Pwede ka nang umuwi sa condo mo. Salamat sa paghatid sa kaniya." Sabi ni Lance.

"Oh Bro ang bag nya. May kukunin lang ako sa kotse ko." Sabi ni James saka bumalik muna sa kotse nya.

"Hahatid na kita sa kwarto mo." Sabi sakin ni Lance.

"Nah. I can manage." Sagot ko. Ang mataray na Yumiko syempre dapat.

Napatingin ako kay James dala ang maleta nya. Parang babae ang daming dala. Para one week lang mag-stay dito eh.

"Ano yan?" Tanong agad ni Lance.

"Stay ako dito ng one week para alagaan si Yumi. Ano? Tara na sa loob." Sabi ni James.

"Kaya ko na siyang alagaan." Protesta ni Lance.

"No Bro. You can't. Basta ako na bahala. Dito muna ako. Yumi, ingat ka. Yung braso mo. Hahatid ka naman ni Lance sa kwarto mo, mauna na ako sa kwarto ko." Sabi ni James saka ayun nauna na umakyat.

Pero teka, sabi ni Lance aalagaan nya ako? Wow. In my dreams. As if totoo.

"Tch. Tara na sa kwarto mo." Yaya ni Lance.

Hindi nako nagsalita. Umakyat na kami sa taas. Nang makarating kami sa kwarto ko, umupo na'ko agad sa kama. Ewan parang nahilo ako bigla.

"Ilagay mo nalang dyan then ako na bahala mamaya. Pwede mo nakong iwan." Sabi ko kay Lance.

Hindi sya nagsalita. Lumapit sya sakin at umupo din dito sa kama ko.

Dug, dug..
Dug, dug..

Aish ayan na naman kabog ng dibdib ko. Kasi ayoko lumalapit sakin si Lance. Pinipilit ko na nga kalimutan nararamdaman ko para sa kaniya eh. Psh.

"Musta yung braso mo?" Tanong ni Lance.

Napatingin ako sa kaniya.

Malapit pala mukha namin sa isa't isa. Shemay.

"A-Ah, ayos lang. Pwede bang iwan mo na'ko?" Sabi ko. Kasi naman nagwawala na ang puso ko.

Hindi nagsalita si Lance. Yung mukha nya palapit ng palapit sa mukha ko. Anong balak nito?

Ayan na palapit ng palapit hanggang sa...

He kissed me.

He's kissing me right now.

Oh my god.

The kiss stealer.

Hinayaan ko lang sya. Di ako pumapalag. Kasi naman! Aish. Lance Abellano naiinis na ako.

Hindi ko alam ano nararamdaman ko pero sumasabay ako sa way ng paghalik nya sakin.

Palalim ng palalim...

"Yumi okay kalang? Di ka naman ba pinag-samantalahan ni Lance?"

Biglang pumasok sa kwarto ko si James. Awtomatiko kaming naghiwalay. Napatingin ako kay Lance. Nagba-blush ang mukha.

Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon