Chapter 16

430K 6.7K 1.4K
                                    

Lance POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung si Yumiko ang magde-decide. There's a 90% chance na si James ang piliin nya.

Alam kong nasaktan ko sya. Ako nga siguro ang may kasalanan kung bakit sya naaksidente pero may mali din naman sya.

Ang hindi ko lang maintindihan. Bakit sa halip na sumaya ako dahil makakawala na ako sa arranged marriage na yun, naiinis ako. Bakit ayoko. Bakit tutol ang sarili ko sa naisip ni James?

Tch. Mababaliw na ako kakaisip. Basta ayokong mapunta si Yumiko kay James. Damn it.

Kakapasok ko lang dito sa kwarto ko. Hindi ako mapakali.

Kinuha ko phone ko at tinawagan ang number ni Yumiko.

[Why?]

Here she goes again. Cold treatment. Masyado na talaga ang pagka-taray ng fiance ko na yan.

"How are you?"

[I'm fine. Kung wala ka ng sasabihin, pwede ko na bang ibaba?]

Tch. Ano bang nangyayari sa kaniya? Sumobra na katarayan nya.

"Okay. Pupunta ako dyan sa ospital. I want to talk to you." Sabi ko. I-o-open-up ko na sa kaniya yung sinabi ni James kay Papa. Pati na yung naging sagot ni Papa.

[Nagpapahinga ako kaya wag kana lang pumunta.]

Tch. Babaeng 'to talaga. "I insist."

[K.]

*toot toot*

Binabaan ako? At K lang ang sinabi nya? Sobra naman ata yun. Ramdam na ramdam ko yung effort nung K niya.

Tch. Pupunta na nga akong ospital.



Yumiko POV

Naiinis ako kay Lance. Bakit kailangan nyang tumawag? Bwisit sya. At pupunta sya dito?  Para saan? Para ipamukha na naman sakin na ako yung mali? Na kasalanan ko din kaya ako naaksidente? Damn him.

Aish. Si James dipa bumabalik. Sina Janna at Chelsea kakaalis lang. Ako na loner.

Medyo sumasakit pa din yung braso ko. Aish. Hindi ako makakain ng ako lang. Kasi naman diko pa magalaw isang kamay ko.

Bumukas ang pinto.

Si Lance? Kakatawag nya lang tapos andito agad?

Sabagay di naman ganun kalayo 'tong ospital sa mansyon nila. Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya habang papalapit sa'kin.

"What brought you here?" Tanong ko. Syempre cold. As what I've said, babalik na ang dating Yumiko. Isasantabi ko yung nararamdaman ko para sa kaniya. Kasi kung hindi ko yun isasantabi, masasaktan lang ako.

"I want to know if you're okay."

"I'm still alive. Now you may go." Cold ko pa ding sabi.

"Tch." Lumapit sakin si Lance at umupo sa upuan sa gilid ng kama ko. Bale nakaharap sya sa kama ko.

"What?" Pagtataray ko.

"Kinausap ni James si Papa."

Yun ba yung...

"He wants to be your fiance."

So sinabi nga ni James? At pati kay Lance sinabi nya? Ohmy.

"So?" Pilit kong nagpakataray muna.

"Hindi ako pumayag."

Ano daw? Si Lance hindi pumayag? Diba yun nga gusto nya? Diba ayaw nya nga sa arranged marriage?

Marry YouWhere stories live. Discover now