Chapter 2

4.4K 76 0
                                    

~3rd Person P.O.V~
Maagang nagsara ang restobar ni Mila dahil alam niyang may mangyayaring di kanais-nais ngayong gabi. Pinauwi na rin niya ang mga trabahador niya at siya na lang ang bahala sa lahat.

Nagsimula sila sa asaran at tawanan pero maya't-maya'y umaatake na ang mga sakit nila pagnalalasing. Nagsimula si Rein na magsayaw sa dance floor. Naghiyawan sila ng "Hoo!!!" Mas lalong ginahanan ni Rein ang pagsayaw at sinabayan ang beat ng kanta.

Naramdaman ni Ali na wala ng laman ang iniinom nitong alak kaya binato niya ang bote kung saan. Si Madi naman medyo may amats pero hindi lasing nakatitig lang siya sa mukha ng kaniyang minamahal na si Mila, habang hinihimas ang mukha nito. Tulog na agad si Mila ganiyan nyan pagnakainom.

Samantalang si Athena at Orla ay nagsimula ng malampungan sa gilid ng restobar di sila napansin ng iba nilang barkada kasi medyo madilim na sa side na nyun.

Ang mag bestfriend na Maxi at Trich ay nagkulitan na pareho mang may mga tama ay nagkakatuwaan pa din tapos sumisigaw pa sila na parang bata mga baliw. Dahil sa tama ni Latreng di niya mapigilan ang nararamdaman sa kaniyang bestfriend.

"Mongkey! May nagugustuhan ka na ba?"  Bangag na sabi ni Trich.

"Wala  pa naman" nakangiting sabi ni Maxi.

Ngumiti ng malapad si Trich at biglang yumakap sa bestfriend niya.

"May gusto ka siguro sa akin!" Tumatawang sabi ni Maxi.

"Matagal na Mongkey!" Tumatawa din na sabi ni Trich.

Kumalas na si Trich sa pagkayakap kay Maxi at kumandong sa bestfriend.

"I love You Mongkey!" Sabi ni Trich habang hawak ang pisngi ni Maxi.

Ngumiti si Maxi at biglang tumawa ng malakas..

"Seryoso ka ba?" Natatawa pa ding sabi ni Maxi.

Tila nalungkot si Trich kahit lasing na ito ay nasasaktan pa din. Umalis sya sa pagkakandong niya kay Maxi at umayos ng upo at tumungga ng alak.

"Uy! Latreng!" Nakangusong sabi ni Maxi habang pinipindot ang pisngi ng kaibigan.

"Tigilan mo nga ako!"  Naiiritang sabi ni Trich.

Pinipigilan ni Trich ang sarili baka mahalikan na niya ang kaniyang bestfriend niya.

"Ayaw!"  Makulit na sabi ni Maxi at inilapit ang mukha sa kaibigan.

Hindi nakapagpigil si Trich at hinalikan ang kaniyang bestfriend tila nawala sa kalasingan si Maxi at iniatras ang kaniyang mukha. Dali-daling lumayo si Maxi sa kaibigan.

"Sorry!" Tanging nasabi ni Trich.

*****

*Maxi
Sobrang sakit ng ulo ko! Nagising ako dahil may naramdaman akong yumakap sa akin pagtingin ko si Trich pala tulog. Nandito kami sa Van ng mga Gonzales. Magkatabi ang kambal sa likod tapos magkayakap naman sila Athena at Orla samantalang si Rein naka undie na lang. Hast! Nasanay naman ako.

Natulala ako sa bestfriend ko kasi napanaginipan ko kasi sya kagabi na hinalikan niya ako. Pero FYI wala naman akong ibang feelings sa bestie ko kasi naman ang tingin ko dito ay kapatid lang.  Pero di ko lubusang maisip kung bakit ganun yung napanaginipan ko.

Nagising na silang lahat sa wakas!

Nagtawanan uli sila habang inaalala ang pangyayari kagabi pero ako tulala pa rin.

Will You Be Mine Bestfriend (GxG) COMPLETEDär berättelser lever. Upptäck nu