Chapter 7

2.5K 47 0
                                    

*Trich
Maaga akong nagising di pa rin kasi ako makapaniwalang Girlfriend ko na sya!! Yehey! Kaso baka di naman sya maging masaya! Pero parang sincere naman sya kahapon.

"Maganda ata ang gising mo!" Puri agad ni Manang.

"Manang diba kilala nyo naman po si Maxi?" Nakangiting tanong ko dito.

"Ah! Oo yung mahal mong bespren!" Nakangiting sabi ni Manang.

"Yes po! Kami na po kagahapon lang!" Masayang balita ko dito.

"Talaga? Eh! Congrats!" Masaya na sabi ni Manang.

"Thank you po!" Nakangiting sabi ko dito sabay halik sa pisngi niya.

"Gisingin ko lang ate mo!" Paalam naman ni Manang, tumango lang ako.

Pumunta na ako sa dining area at hinintay si Ate na bumaba.

"Good Morning bunso!" Bati sa akin ni Ate.

"Good Morning Ate!" Bati ko rin dito.

"Good Mood ah! Siguro kayo na nung lovely mong bestfriend?" Naka grin na sabi nito.

"What if kung Yes ate!" Naka smile na sabi
ko dito.

"Weh? Di nga bunso!"

"Kami na ate kagahapon pa" pakindat na sabi ko dito.

"Ayt! Congratulations bunso!" Nakangiting sabi nito.

"Thank you!" Sabi ko dito.

Masaya kaming kumain, sa sobrang saya ko napapakanta pa ako sa banyo. Di ako masyadong nagpaganda. Pababa na ako ng magulat ako kung sino ang nasa living area.

"Oh! Ito na pala ang hinihintay mo eh!" Sabi ni Ate, tumayo naman ang girlfriend ko at lumapit sa akin.

"Good Morning loves!" Naka smile na sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Shit! Kenekeleg na naman ako hahaha.

"Good Morning!" Naka smile na sabi ko dito.

"Naku! Layas na! Ma late pa kayo!" Taboy sa amin ni Ate.

"Sya Alis na kami Ate Luci!" Sabi naman ng loves ko hehehe.

Nagbyahe kami habang nakahawak sya sa kamay ko....

"This is our first day saan mo gustong kumain mamaya?" Tanong nito.

May pa first day pa! Ast! Kinikilig na naman ako! Totoo na kaya na may feelings na sya! Baka sinusubukan niya lang. Pero kinikilig talaga ako.

"Kahit saan na lang!" Sabi ko na lang.

Naiisip ko lang na baka napipilitan lang sya nalulungkot na ako.

"Hey! What's wrong?  Di ka ba masaya?" Concern na tanong nito.

"Baka kasi napipilitan ka lang!" Malungkot na sabi ko.

"Latreng gusto kong ibigay ang puso ko sa taong kayang mag-alaga nito, at alam kong kaya mo!" Sabi nito at pinaharap ang ulo ko sa kaniya.

"Wag mong isipin na!  Napipilitan lang ako, na ginagawa kitang panakip butas, na ginagawa ko lang to dahil gusto ko lang ng masasandalan...Latricia ginagawa ko ito dahil may tiwala ako sa sarili ko na kaya kitang mahalin! Di man ngayon! Pero alam kong dadating rin ang araw na nyun!" Seryosong sabi nito sabay halik sa noo ko.

Maya-maya dumating na kami sa school nagpasabi sya sa driver na sunduuin na lang daw kami mamaya...

Yung sinabi nyang mamahalin niya talaga ako! Hahantayin ko nyun! Shit! Kinikilig talaga ako!
Dumaretso kami ng Cafeteria at nagulat ako na kumpleto na ang tatlo at kami na lang ang wala.

"Good Morning Guys!" Bati namin sa kanila.

Napatingin naman sila sa kamay namin ni Maxi, magka holding hands kasi kami.

"Parang may breaking news ah!" Naka grin na sabi ni Rein.

Actually halos lahat ng nadadaanan namin kaganina nakatingin sa kamay namin.

"Yeah Guys! Kami na ni Trich" naka smile na sabi ni Maxi.

"Congrats!" Sabi naman ni Rein at yumakap sa amin.

"May paayaw-ayaw ka pa dud ah!" Asar naman ni Ali.

"Congrats! Dapat mag pa party ka!" Sabi naman ni Madi.

"Sure!" Agad na sabi ni Maxi.

Umupo na kami at kumain inasar nila kami. Maya-maya naman nagulat ako na tumawag ang tatlo pa naming barkada sinabi nila na matagal na daw nilang hinihintay na maging kami, obvious naman daw na may secret feelings daw kami, at may bago ng loveteam sa tropa namin.

Nung uwian diretso kami sa bahay nila Maxi wala ang kuya at ate niya kaya doon na natulog ang barkada. Kami na lang ni Maxi ang gising nakapatong ang ulo ko sa kaniyang balikat.

"Sinabi sa akin ni Madi ang totoong feelings mo Trich kaya ko ito napagpasyahan na gawin...Please wag mo namang awayin si Madi" sabi nito.

Medyo na hurt ako! Masyado talagang madaldal si Madi pero. Thanks na rin naging kami naman ni Maxi. Pero ito na naman at pumapasok na naman sa isip ko na baka napipilitan lang sya.

"What if kung hindi mag work?" Tanong ko dito.

"Sa tingin ko magwowork naman! Di naman mahirap mahalin ang kagaya mo!" Sabi nito.

Kinilig na naman ako dun! Pero nandoon pa din ang pagdududa.

"Bakit naman?"

"Ang cute mo kaya! Mukha kang penguin" natatawang sabi nito.

"Nang-asar na naman po sya!"

"Loves tulog na tayo!"

"Fine!"

Tinayo nya ako at pumasok na kami sa kwarto niya at natulog.

Yeah tabi mo kami ng ugok na to! Pero mahal ko hahaha...

Pero kung sakaling dumating ang araw na mamahalin mo na ako Maxi! Pinapangako na iingatan ko ang puso niya at mamahalin ko sya habang buhay...kahit makasalanan man ito sa paningin ng iba............

+-------------------------------—----+

Will You Be Mine Bestfriend (GxG) COMPLETEWhere stories live. Discover now