Chapter 5

2.7K 50 0
                                    

*Maxi
Pasimple akong sumusulyap kay Jade kasama niya si Kuya Jerome. Napaka swerte naman ni Kuya Jerome kasi meron syang Jade ganda!

Oh! Kung ano-ano na sinasabi ko sa kaniya. Pumasok na lang uli ako sa loob nakita ko si Ali na busy sa paglalaro ng NBA samantala ang kambal naman niya nakikipaglandian pa kay Mila. Si Rein tulog nakakahiya grabe sakop na sakop nya yung sofa ang si Latreng naman naliligo siguro. Lumapit ako sa mga katropa ko.

"Ali laro tayo!" Yaya ko dito.

"May court ba dito?" Tanong niya habang busy pa din sa paglalaro.

"Meron saka panigurado akong may bola dito!" Sabi ko dito sabay akbay.

"Sure!" Ayan binitawan na niya ang phone at tumayo.

"Palit lang ako ng damit!" Sabi nito at umalis na.

Maya-maya naman nagising si Rein at yumakap sa akin.

"Good Afternoon!" Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.

"Yak naman! Mag toothbrush ka muna!" Biro ko dito.

"Ang arte mo naman!" Nakangiting sabi nito at tumayo tapos humalik din kay Madi sakto naman nakalabas na si Ali sa kwarto kaya humalik din sya dito na kinagulat ng isa at namula? Ewan basta!

"Eww! Kadiri ka talaga! Ang baho ng hininga mo!" Sigaw ni Ali kay Rein.

"Arte naman! Mas mabaho ka!" Sabi naman nung isa.

"Tabi nga dyan!" Iwas ni Ali sa away nila.

Napailing na lang ako sa kanila. Nagsimula aa kami ni Ali di ko napansin na nadoon pala si Jade na nanonood na sa amin. Natigil ako sa paglalaro dahil kumaway sya sa akin at nagpakawala ng isang matinding ngiti. Napakaway na din ako dito, nagulat ako na tumama sa akin ang bola. Kaya humarap ako kay Ali na nakasambakol ang mukha.

"Concentrate Dud! Nyan tuloy TINATAMAAN ka!" Diniin nya talaga ang 'tinatamaan'

"Guys! Pwede bang maki join?" Tila kumabog ng mabilis ang puso ko! Humarap ako dito.

"Hi! I'm Allison, Ali na lang!" Nakangiting sabi ni Ali at nakipagkamay dito.

"Jade,her cousin girlfriend!" Sabi naman ni Jade.

"Sanay ka ba?" Tanong ko naman dito.

"Yeah! Actually player din ako dati ng basketball!"  Sabi ni Jade na ikinagulat ko ng sobra!

"Talaga? Pakitaan mo naman kami ng mga moves mo!" Nakangiting sabi ni Ali.

"Sure!" Sabi naman nito.

Pumunta sya sa 3 point line at nagsimula ng mag dribble ng bola tumakbo na ito sabay lay up!

"Nice!!!" Sigaw ni Ali.

Mas lalo tuloy ako humanga sa kaniya. Habang naglalaro sila ni Ali, I mean kami napapatitig ako sa kaniya ng sobra. Ewan ko kung ano ba nangyayari sa akin kasi sa tuwing nakikita ko sya kumakabog ng malakas ang puso ko at napapangiti ako sa munti niyang smile.

Nagulat ako na hawakan ako ni Ali sa balikat..

"Dud! Napaka daya mo! Ako lang ang pinaglaro mo!" Pagod na sabi nito at umupo sa bench.

Napatingin ako sa side ni Jade nagulat din ako nung nakatingin sya sa akin tapos bigla din syang nag smile, nag smile back na lang ako.

*****

*Jade
When I first meet her parang may something na! Medyo na pa smirk ako nung time na parang nanlumo sya na may boyfriend na ko. Pero may na feel akong guilt syempre I have a long time boyfriend na super bait! Perfect boy kung baga...
At Adult na rin ako para maramdaman ko pa ang mga ganito. 26 year never ko pang naramdaman ang mga ganito. Like kuryente daw! May fireworks daw! May mga paro-paro! At kung ano-anong weird na bagay. Pero bakit nararamdaman ko nyun ngayon? Sa tuwing tinitigan niya ako ng napakalagkit sa tuwing nag smile sya sa akin at sa tuwing nahahawakan ko sya???

No! Dapat mapigilan ko to! May boyfriend na nga ako at di lang nyun Engaged na ko....

~3rd Person POV~
Sumapit na ang gabi nagtipon ang mag-anak sa hardin ng dalawang matanda na Sotio. May importante kasing iaanunsyo ang panganay nilang apo na si Jerome.

"Salamat Don Lo at Madam La sa pagpapalaki sa akin kahit maagang kinuha si Mom, nagpasalamat din po ako na di nyo ako pinagkait sa daddy ko...Ako na po siguro ang isa sa mga masweserteng nilalang sa mundong ito kasi may mga grandparents akong kagaya nyo thank you so much po...."  Maladamdaming pagsisimula ni Jerome.

"Ngayon po naririto ako para aking ipagmalaki ang babaeng kumumpleto sa buhay ko ang babaeng pinakita sa akin ang ibang mundo...ang babaeng nagbigay ng kasiyahan nung mga panahon na nalayo ako sa inyo Madam La at Don Lo...Ang aking fiance na si Jade" sabi nito at lumapit sa babaeng kaniyang pakakasalan.

"Jade nung time na lumuhod ako saiyo tayo lang nyun ngayon gusto ko muling lumuhod sa iyong harapan para makita mo at maramdaman mo na kaya kitang ipagmalaki sa harap ng grandparents ko...Marie Jade Tamlin Lee Will you marry me?" Bonggang sabi ni Jerome habang nakaluhod.

Kinilig ang mga tao sa hardin maliban lang sa isa at lihim na nasasaktan na si Maxi. Oo nga't alam niya na parang ang bilis siguro nga ito na ang tinatawag na first love at first broken heart.

"Yes ofcourse I love you Jerome!" Naiiyak na sabi ni Jade at tinulungan tumayo si Jerome at nag smack sa harap ng pamilya at mga kaibigan nito...

*****

*Maxi
Pumasok na ako sa kwarto nagpaalam ako na masakit ang ulo ko....pero ang totoo ang puso ko. Ang sakit pala magmahal! Shit!

Sa sobrang sakit di ko namamalayan na umiiyak na pala ako!!!

Agad naman akong nagpahid ng luha ng may kumatok.

"Maxi Papasukin mo ko!" Sigaw nya sa labas, tumayo ako at binuksan ang pinto.

Humiga uli ako narinig ko lang na sinirado niya ang pinto at naramdaman ko na umupo sya sa kama, kaya umupo na lang uli ako.

"Akala ko dati nung time na iniwan ka ng gf mo! Ang tanga mo kasi di naman talaga sya kawalan isa lang syang malaking pabigat saiyo!" Seryosong sabi ko dito.

"Tapos di ko din alam kung bakit mo sya iniiyakan tapos inisip ko din alam mo na ba ang meaning ng love?" Naiiyak na ko ngayon habang nagsasalita.

"Bakit ganun mararamdaman ko pa ito sa maling tao, bakit di na lang sa iba! Di ko pa sya ganoong kilala pero parang mahal ko na sya!" Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Dati ikaw nagsabi nito...Nandito lang ako lagi para sayo Maxi" sabi niya at mas lalong humigpit ang yakap niya.

Mas lalo lang ako napaiyak na marealize ko na may bestfriend pa la akong laging nandyaan....

+-----------+

Will You Be Mine Bestfriend (GxG) COMPLETEDär berättelser lever. Upptäck nu