Chapter 6

2.5K 63 0
                                    

*Latricia
Ilang linggo rin naging tahimik si Maxi di kami sanay lahat kami, alam na din ng buong barkada si Madi at Rein naman sinasabing samantalahin ko na daw ang pagiging broken ng isa..Pero ayaw ko naman gawin nyun gusto ko maging bestfriend nya na maramdaman niya na lagi lang ako nandito para sa kaniya.

Naging ok naman sya kagahapon nang-asar na nga eh!Kaya naging masaya na kami kasi medyo bumabalik na sya sa dati. Kagaya ngayon sabi niya gala daw kami pero para sa akin....

'DATE!' 

Yeah Date! Hahah malandi na kung malandi hahah.

"Penguin!" Tawag sa akin ng loves ko hehehe...

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit dito, nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Miss na po kita" sabi nito.

"Himala ang clingy mo!" Asar ko dito.

Kumalas sya ng yakap at hinalikan niya ako sa noo sabay akbay sa akin. Syempre kinilig ako hahaha. Pumunta kami ng mall kain kami dito kain kami doon. Binili niya ako ng Teddy bear sa blue magic.

"Latreng sinasabi nila na walang Forever sa blue magic pero papatunayan ko na may Forever tayo dito" seryosong sabi niya.

Takte nemen kenekeleg ako hahaha.

"Ang dami mong alam!" Sabi ko dito at kinurot sa pisngi.

Dumaan naman kami sa national bookstore kumuha sya ng isang notebook na spongebob.

"Gagawin kong Diary itong notebook na to tapos isusulat ko ang bawat magagandang pangyayari sa atin!" Nakangiting sabi niya.

Ngayon ko lang nakita syang ganyan kalambing. May gusto na kaya sya sa akin. Pagkatapos niya bumili umuwi na kami kinulit niya akong doon matulog sa kanila. Dahil malakas sya sa akin pumayag na ako.

Kain na naman kami sa bahay nila, tapos movie marathon natulog sya sa lap ko. Nilaro ko ang mga buhok niya habang nakapikit sya. Kung sakali bang ma fall na sya handa naman akong saluhin sya. At kung alam niya lang na mahal ko talaga sya.

"Trich!" Sabi nito.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Trich...di ko pa rin sya makalimutan" sabi nito sabay tulo ng luha niya.

Nalungkot ako sa mga tingin niya nawala na ang mga nangniningning niyang tingin puro na lang lungkot.

"Di naman madaling makalimot Maxi!" Sabi ko dito habang hinihimas ang buhok niya.

"Kahit ba anong mangayari nandito ka lang? Dito ka lang sa tabi ko?" Tanong niya.

"Oo naman dito lang ako!" Diretsong sabi ko dito.

Umupo sya at pinahid ang luha niya, at tumingin ng maigi sa akin.

"Kung ganun Trich! Pwede ba kita maging girlfriend? " seryosong sabi nito.

Nagulat ako sa sinabi niya....di ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko uli dito.

"Oo gusto kita maging girlfriend kasi naman sabi nila kailanga buksan ang puso ko para sa iba...at ikaw ang napili ko...please! Girlfriend na kita!" Makulit na sabi niya.

"O..ok" nauutal na sabi ko dito.

"Ok! Girlfriend na kita!" Masaya na sabi niya.

Syempre masaya din ako! Kahit alam kong parang panakip butas lang ako. Pero sapat na sa akin nyun kasi girlfriend niya pa rin ako.

*Maxi
Gabi na pero di pa rin ako makatulog, siguro dahil na rin ito na girlfriend ko na ang bestfriend ko. Mahal ko naman si Trich pero bilang bestfriend lang talaga pero simula nung nalaman kong may lihim syang pagtingin sa akin nakaramdam ako ng guilt.....

~flashback~
Nandito kami sa Mansion ng mga Gonzales nag-inuman. Kasama ko sa veranda si Madi, kaming dalawa lang bangag na kasi yung iba.

"Di mo naman kailangan maging ganiyan! Para sa isang babae na hindi naman naging kayo!" Prangkang sabi niya.

"Pero first love nyun!" Hirit ko dito.

"Hast! Kung alam mo lang may ibang lihim na nagmamahal sayo!"  Sabi nito.

Napatingin at nagtaka ako sa sinabi niya...

"Sino?" Curious na tanong ko.

"Basta!" Madiin na sabi niya.

Oh my! Baka may gusto si Madi sa akin! Akala ko ba si Mila ang gusto niya.

"Wag mong sabihin na ikaw ang may gusto sa akin!" Sabi ko dito, binatukan ako ng bruha.

"Abat wag kang assuming! Akala ko ba naman na si Orla lang ang tanga dito ikaw din pala!" Napailing-iling na sabi nito.

"Sino kasi!" Mangungulit na ako.

"Basta nga!"

"Sino?"

"Basta!"

"Sino!"

"Basta!"

"Sino"

"Basta"

"Sino"

"Basta nga sabi eh!"

"Sino nga sabi eh!"

"Basta nga!"

"Sino nga"

"Basta.....basta....basta...basta!" Pikon na sabi niya.

"Sino...sino...sino...sino!" Makulit na sabi ko dito.

"Ayoko syang masaktan Maxi!" Sabi naman niya.

"Si Alison ba ang tinutukoy mo?" Tanong ko naman.

"Hindi sya! Basta ayoko lang masaktan yung tao na nyun kaya mas mabuti pang ilihim" sabi naman niya uli.

"Sige na sabihin mo na! Gagawin ko ang lahat para di sya masaktan at gagawin ko ang lahat para maging masaya sya!" Sabi ko dito.

"Talaga?"

"Oo promise"

"Importante sya sayo at sa ating lahat...bestfriend mo sya Maxi! Si Trich! Matagal na syang may gusto sayo! Kaya please lang wag mo syang sasaktan! Ito lang ang hiling ko subukan mo syang mahalin! Kagaya ng pagmamahal nya sayo!" Diretsong sabi nito.

"Pero bestfriend ko sya! Ayaw ko syang taluhin!" Pagpapaliwanag ko dito.

Umusod sya ng upo at umakbay sa akin.

"Ito na lang ang isipin mo Maxi, wala namang masamang subukan na mahalin ang taong laging nandyaan sa tabi mo yung taong sigurado ka na hindi ka iiwan na hindi ka pababayaan! Please subukan mo lang!" Seryosong sabi niya.

~end~

Kaya napaisip ako at sisimulan ko na nyun bilang girlfriend niya. Gusto kong subukan wala namang mawawala. Saka gusto kong pagbigyan ang bestfriend ko. Di ko man lang napansin nyun sa haba-haba ng panahon na magkasama kami.

Pero ngayon disidido na akong buksan ang puso ko sa kaniya. Baka mag work naman, saka para makalimutan ko na rin si Jade.

+----------------+

Short U.D

Will You Be Mine Bestfriend (GxG) COMPLETEWhere stories live. Discover now