Chapter 144

874K 33.6K 32.3K
                                    

Sundate

Jay-jay's POV

"...Fried chicken?" Tanung ko.

"Legs!" Sagot ni Yuri.

"Pareho tayo... Kailangan paba ng flavoring mix?"

"Siguro... Kuha na rin tayo." Sabi nya at dumampot ng isang pakete ng chicken mix.

Kasalukuyan kami'ng nasa supermarket. Napagdesisyunan nami'ng magluto nalang. Nakakatamad kasi'ng mamasyal sa ibang lugar. Tapos makikita ko lang yung kagaya ng grupo ng mga babae kanina. Naku!

Naghahanap kami ng mga pwede pang bilhin bukod sa lulutuin namin.

"Snacks? Kuha tayo?" Tanung nya habang nakaturo sa mga churchirya.

"Sige... Sige..."

Lumapit naman kami sa area ng mga junkfoods at kumuha ng kumuha. Para kami'ng mag-boyfriend sa ginagawa namin. Nakakatuwa din pala yung ganito.

"Pwede na to! Tara na sa cashier!"

Dahil maaga pa, hindi naging problema samin ang pila. Kaunti pa lang kasi yung tao. Muka ngang kami pa nitong si Yuri ang nauna.

Habang hinihintay matapos yung babae sa pag-punch nung mga binili namin. Napatingin ako dun sa 3kg na chicken legs na binili namin.

Saan pala kami magluluto?

Kinalabit ko si Yuri na kasalukuya'ng hinihintay matapos yung babae.

"Saan pala tayo magluluto?" Tanung ko sa kanya.

"Sa bahay namin... Hindi naman pwede sa inyo. Baka mag-away lang kami ni Aries."

May point sya dun. Baka magka-initan lang sila'ng dalawa. Mahirap na, masaya'ng lang tong binili namin.

Natapos ang ginagawa nung babae at nagbayad na si Yuri. Wala ako'ng contribution kundi yung pagtuturo ng bibilhin.

Sa parking agad kami dumiretso kung nasan ang kotse nya. Sinakay nya sa passenger seat yung mga binili namin.

"Tara na... Let's cook our lunch." Sabi nya at pina-andar na ang kotse.

Tahimik lang kami sa buong byahe, pero nakikita sya na papangiti ng walang dahilan.

Naaning na ata!

"Hoy! Napapano ka?" Tawag ko sa kanya.

"Ha?"

"Ngumingiti ka mag-isa."

"Ay hahaha... Sorry. Nae-excite lang kasi ako."

Napangiwi nalang ako. Baliw na tong Yuri na to! Baka may tama na pala sa utak ang wala'ng hiya hindi ko pa alam. Ayoko pa nama'ng magpakasal sa baliw.

Nakarating kami sa mamahaling gusali nila. Sa basement na naman ang parking nya. Paghinto, napatingin ako sa mga kotse'ng nakaparada. Naalala ko yung MGA kotse nung Hari.

Anu kaya'ng ginagawa nya ngayon?

STOP! Wag mo sya'ng isipin Jay! Si Yuri ang kasama mo ngayon. Sa kanya dapat ang focus mo. Very wrong!

Bumaba agad ako sa kotse at kinuha yung mga punamili namin pero inagaw ni Yuri yun.

"Ako na..."

"Hati nalang tayo." Sabi ko at pilit kinuha yung isang plastic na malaki sa kanya.

"Ako nalang. Kaya ko naman." Pilit nya.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Where stories live. Discover now