Chapter 185

828K 29.4K 24.8K
                                    

A/N: NO EDIT

Thanks po sa cover Jasmine Kayepoper Mejia Boniol

Thanks po sa cover Jasmine Kayepoper Mejia Boniol

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Complicated

Jay-jay's POV

'Love my son.'

Pakshit lang! Parang sirang plaka sa utak ko yung sinabi ng Mommy ni Yuri. Seryoso?! Sya na yung nakiki-usap na mahalin ko yung anak nya. 

Lalu na tuloy akong naguguluhan. Masama pa nito, hindi pa rin sumasagot si Keifer sakin. Hindi pa rin sya umuuwi. Nag-uumpisa na kong mag-alala. Sari-sari na ngayon ang laman ng utak ko.

Parang Halo-halo lang.

Narinig kong may kumatok sa pinto. Bubuksan ko pa lang sana ang pinto pero kusa na yong bumukas at pumasok si Tita Gema.

Balisa ang itsura nya at parang gulong-gulo. Sinira nya ang pinto at hinarap ako.

"Tita?"

"Jay... uhmm... A-anu... K-kasi." Nauutal nyang sabi.

Hindi ko alam kung anung problema. Obvious naman na meron syang gustong sabihin. Muka tuloy syang nagpipigil ng tae sa pwet.

Ppffftttt... Wag ka tatawa!

"Bakit po? May problema po ba?" Tanung ko.

Huminga sya ng malalim. "Kasi... Jay. A-andyan ang L-lola mo sa sala."

Napangiti ako agad sa sinabi nya. Nami-miss ko na rin kasi si Lola. Hindi ako nakadalaw sa kanya nung retreat dahil hindi na ko pinayagan ng mga organizer.

Kung anu man ang dahilan kung bakit nandito sya, sobrang natutuwa ako na makasama sya ulit. Pero unti-unti ring nawala ang ngiti ko ng hindi mawala ang pagka-balisa sa muka ni Tita Gema.

"T-tita Gema."

"K-kasama nya ang M-mama mo at... Yung mapapa-ngasawa nya."

Para akong binagsakan ng langit. Ngayon pa talaga? Ngayon pa talaga sya nagpunta kung kailan mabigat ang nararamdaman ko.

Nice!

"Tita... M-masama po pakiramdam ko. Hindi p-po muna ko lalabas ng kwarto." Tuloy-tuloy kong sabi at agad na nahiga sa kama sabay talakbong ng kumot.

Tumabi sakin si Tita Gema at bahagya akong niyog-yog. "Hindi pwede... Kailangan mong harapin ang Mama mo."

Padabog kong inalis ang kumot at nagmamaka-awang tumingin sa kanya. Ayoko syang makita, ngayon pa na meron akong pino-problema.

"Ayoko po."

"Jay-jay... Dito rin sila mag-stay kaya magki-kita at magki-kita kayo."

Shutanginames!

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora