Chapter 145

855K 33.7K 22.2K
                                    

Mentally Ill

Jay-jay's POV

"...Mababaw lang naman po yung sugat. Hindi na po kailangang tahiin pero siniguro ko po na nakasara na yung sugat para hindi na dumugo." Paliwanag ng maid sakin.

Sorry Yuri!

Hindi nya tinawagan si Keifer pero tumawag sya ng mga maid na tutulong sakin. Nakaka-guilty tuloy, badtrip!

"S-salamat po." Sabi ko at nagpilit ng ngiti sa kanila.

Ngumiti din naman sila sakin. "Pakihintay nalang po si Young Master dito." Sabi pa nila at umalis na.

Naiwan akong mag-isa sa parang mini clinic nila. Nakatanga at nanlalambot. Tinignan ko yung apron ko na may dugo na.

Wala na...

Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari lang yun sa sariwang dugo.

Anu ba talaga'ng mali sakin?

May bahagya'ng kumatok sa pinto kaya napatingin ako dun. Si Yuri, malungkot ang mga mata nya.

Nahihiya ako sa kanya. Dapat hindi ko na sinabi na tawagan nya si Keifer.

"Okay na sugat mo?" Tanung nya at lumapit sakin.

Tipid na tango ang sinagot ko sa kanya. Napayuko din ako dahil sa hiya.

"S-sorry... Hindi ko dapat sinabi yung kanina."

Nanguha sya ng bangko at naupo sa harap ko. Hinawakan din nya yung dalawang kamay ko.

"Okay lang... Pero sana ipaliwanag mo naman sakin yung nangyari kanina. Pakiramdam ko wala ako'ng alam sayo."

Napa-kagat ako sa ibabang labi ko. Kasalanan ko to. Noon pa dapat ako nagsabi sa kanya. Panu nalang kung kasal na kami at wala pa rin sya'ng alam.

"May alam ka naman tungkol sakin... Hindi nga lang lahat. Natatakot kasi ako'ng sabihin sayo---sa inyo. Kasi kahit ako hindi ko maintindihan yung nangyayari sakin." Paliwanag ko.

"Hindi naman masama'ng magsabi. Anu'ng malay mo, baka kaya kita'ng tulungan na alamin yun."

Tama sya...

Matagal ko ng inaalam sa sarili ko kung anu to pero wala naman ako'ng napapala. Baka nga matulungan nya ko.

"Yuri kasi..." Panimula ko at huminga ng malalim. "...m-may mali sakin."

Tinignan nya ko sa mga mata at hinintay ang sasabihin ko.

"K-kapag nakakita ako ng dugo, may kakaibang nangyayari sakin. Nung una akala ko, phobia lang sa dugo pero nung tumagal... iba na."

"...Nawawalan ako ng malay sa pagkakatanda ko. Pero sabi nila kumikilos ako, gumagalaw at... Nagsisimula'ng manakit ng iba." Pag-tutuloy ko.

Kita ko ang interes ni Yuri sa pakikinig sa sinasabi ko. Ayoko na sana'ng mag-salita pero alam kong dapat ko na tong sabihin sa kanya.

"...K-kahit anu'ng pilit ko, hindi ko matandaan na nanakit ako ng ganun. Wala'ng kahit anu..." Kusa nalang bumagsak ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan. "...Hindi ko alam kung saan ko nakuha yun. Basta nag-simula'ng mangyari yun nung kidnapin kami ng Tatay ni Aries, nasundan pa nung mag-away kami ni Cyrus at yung huli... Yung kay Ram."

"P-pero sabi ni Keifer, pinatulungan nyo daw si Ram." Sabi ni Yuri.

Umiling ako. "Yun ang usapan namin na sasabihin namin sa inyo. Pero alam ni Kuya Angelo at Aries yung nangyari. Sinabi nya at nagbaba-sakali na may alam sila... pero wala."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon