Chapter 231

839K 29.6K 50.8K
                                    

A/N: I want to know your opinion. Sa lahat ng nag-comment ng 'Malandi' kay Jay-jay sa mga previous chapter. Andito pa ba kayo? Do you still see Jay-jay as the same?

You see I'm an amateur. Hindi pa solid ang pag-buo ko ng character. May kulang or sobra na hindi kasama sa plano. I want to know so I can make some changes in the future.





Ugly Truth

Jay-jay's POV

["Wala na sakin! Pina-bura na ni Keifer."] Sagot ni Ci-N mula sa kabilang linya.

Napabuntong hininga si Yuri at bahagyang nilapit ang cellphone sa bibig nya.

"Kahit isa wala kang tinira?"

["Wala talaga."]

"Sige, salamat."

Namatay na ang tawag at binulsa ni Yuri ang cellphone. Mga video ng ginawa nilang kalokohan ang hinahanap nya kay Ci-N. Si Edrix daw kasi ang dating nagtatago non pero napunta na sa Batang Kumag.

Kaya nga nakita ko dati yung video ng pambubugbog nila kay Kiko. One Hit Rule ang tawag nila sa ginawa nilang yon. Umamin ang Yuri na hindi lang daw isang beses nilang ginawa yon.

Umabot ng mahigit 30 ang lahat-lahat. May video bawat isa bilang souvenir. Sinubukan naming hiramin ang mga video para sana makita ko kung sino-sino ang sinaktan nila. Pero sa kasawiang palad wala na daw.

Naka-loud speaker ang phone ni Yuri kaya dinig na dinig ko.

I'm not blind----deaf pala.

"Bakit ba kasi may ganun pa kayo?" Iritang tanung ko.

"Marami kaming naka-away. Bumabalik sila kung kelan nila maisipan para gumanti. Yung One Hit Rule na yon ang panglaban namin sa kanila para hindi na sila bumalik..." Kinamot nya ang batok. "...nakakasawa kaya kung sila ng sila yung ka-aaway."

"Wow... Yung kaaway pinag-sasawaan pero yung pakikipag-away hindi." Kuwaring namamangha ako.

Ngumiti naman sya. "Hindi na mawawala samin yun. Section E kami Jay."

"Tsk! Tsk! Tsk!" Napapailing na sagot ko sa kanya.

Nilagay nya ang mga kamay sa bulsa ng pants nya. Nag-cross arm naman ako at tumingin sa malayo. Hindi mawala sa isip ko kung sinong may gawa non kay Mykel.

Kung sino man sila, bakit parang galit  na galit sila? Kung 'Sila' nga talaga sila. Kasi may kakaiba akong kutob.

"Tingin mo, sino kaya talaga may gawa nun kay Mykel?" Tanung ko sa kanya.

Hindi sumagot. Nanatili syang nakatingin sa malayo at parang malalim ang iniisip. Hinawakan ko ang balikat nya habang nakadiretso ang hintuturo ko para agawin ang atensyon. Paglingon nya tumusok ang daliri ko sa pisngi nya.

Bahagya syang tumawa. "B-bakit?"

"Tinatanung kita. Tulala ka dyan."

"Sorry. Iniisip ko lang yung nangyari kay Mykel." Huminga sya ng malalim. "...I have this weird feeling na hindi isang grupo ang gumawa nun sa kanya."

"Parang isang tao lang."

"Isang tao lang."

Halos sabay naming sabi. Nagkatinginan kami. Sabi na eh! Iba talaga ang kutob ko.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Where stories live. Discover now