Chapter 12

758K 11.4K 1.7K
                                    

Chapter 12

Mobi's P.O.V

          "Huh?! Umabot ng one thousand 'tong pinamili ko?!"

          "Pasensya na Ma'am pero iyon po talaga yung nakalagay dito."

          "Ate naman ilang piraso lang 'to oh! Paano umabot 'to ng one thousand?!"

          "Pwede naman po kayong magbawas sa pinamili nyo Ma'am tapos balikan nyo na lang yung iba nyong iniwan mamaya."

          Napasunod ako ng tingin sa pamilyar na pamilyar na boses na iyon. Agad akong napangiti nang makita ko si Sitti. Yung fake girlfriend ng best friend kong si Kaizer.

          Balak ko sana syang lapitan doon sa pakikipag sagutan nya doon sa cashier kaya lang naisip ko na mas magandang wag na akong manggulo.

          Mas masarap kaya manuod kaysa makisali sa gulo kaya steady na lang ako sa isang sulok na malapit-lapit sa may cashier.

          Nga pala, nasa may malaking grocery nga pala ako sa lugar namin. At hindi ko akalain na makikita ko ngayong araw na ito yung babaeng laging laman ng bibig ni Kaizer.

          Isip nyo ba naman matapos yung naging "PDA" nila kahapon sa canteen, wala ni isang minutong hindi nagreklamo si Kaizer sa ginawa ni Sitti.

          Kesyo baliw na daw talaga yung babaeng yun. Na gusto na nyang ipapatay si Sitti at kung ano-ano pang karumal-dumal na krimen ang lumabas sa bibig ni Prince tuwing napag-uusapan si Sitti.

          Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kay Sitti at doon sa ginawa nyang "pagtag" sa pangalan ni Kaizer sa Facebook. Wala nga akong alam doon eh at hindi ako mahilig mag-Facebook.

          Kaya lang nung gabi ng mangyari ang "krimen" na iyon, nagulat na lang ako nang bigla na lang "magsumbong" sa akin si Kaizer tungkol sa babaeng baliw sa Facebook na nagngangalang Felicity Sandoval.

          Si Kaizer yung uri ng tao na hindi makwento. Lalong hindi sya yung tipo ng tao na basta-basta nagagalit o nagpapakita ng ano mang emosyon.

          Laging "plain" yung itsura nya. Laging akala mo pa-mysterious effect kahit hindi naman. Ganoon si Kaizer. Elementary pa lang kami ganoon na sya kaya nagulat talaga ako nang bigla na lang nyang ikwento ang tungkol kay Sitti at sa pagtawag nito na "boyfie" sa kanya sa Facebook.

          "Bibilhin nyo pa po 'to Ma'am?"

          "Oo Ate. Babayaran ko na lang lahat yan."

          Napailing ako sabay lalong napangiti ng maglabas ng one thousand pesos si Sitti.

          Inaway-away pa nya yung kawawang cashier eh meron naman pala syang one thousand pesos.

          'Baliw ka nga talaga.' sa isip ko.

          Napaayos ako ng tayo nang bigla na lang umalis sa tapat ng cashier si Sitti dala yung isang plastik ng grocery nya.

          Wala akong balak sundan sya pero dahil sa wala din naman akong magawa kaya susundan ko na lang sya.

          Natutuwa ako kay Sitti sa totoo lang. Sya lang kasi yung nag-iisang babae na naglabas ng lahat ng emosyon na kayang ibigay ni Kaizer sa isang tao. Isipin nyo na lang kung gaano ka-cool yun di ba?

          Kakaiba syang babae. Oo, ordinaryo lang mukha nya. Cute. Pero yung pinaka nakakatuwa sa kanya ay yung pagiging natural nya sa harap ni Kaizer.

My Tag Boyfriend (Season 1)Where stories live. Discover now