Chapter 45

480K 11.2K 3K
                                    

Chapter 45

Sitti's P.O.V

          Matapos naming ayusin yung mga tutulugan namin sa labas—na para sa akin ay isang malaking torture sa maraming dahilan—tinawag kami ng Professor namin at sinabihan na bilugan daw namin yung bonfire na sinet nila para sa "recollection" na mangyayari ngayong gabi.

          Ayoko ko din sa activity na ito. Sa totoo lang wala yata akong magugustuhan na activity sa retreat namin na 'to. Sana nga lang hindi kami magtagal dito sa retreat house na ito dahil paniguradong mamatay ako sa boredom kapag nangyari iyon.

          Boring na nga buhay ko, inalis pa sa akin ni Ma'am yung karapatan ko na mag-Facebook. Tsk! Violation of human rights na iyon di ba?!

          "Isa sa mga objective ng Eastton ang magpag-isa ang mga mag-aaral sa eskwelahan natin." panimula ni Ma'am. "Ang gusto ng head ng Eastton, maging iisa ang mga estudyante at mga guro. Gusto ng may-ari ng ating paaralan na magkasundo-sundo ang lahat at maging pantay ang turingang ng bawat isa kaya may mga ganitong event tayo."

          'Ah! Kaya pala.' sa isip ko.

          Kung sino man yung may-ari ng school namin, ngayon pa lang sinusumpa ko na sya.

          Napaka imposible kasi ng gusto nyang mangyari. Mapagkasundo lahat ng estudyante sa school namin? Siguro nga pwede iyon kapag ako ang involve.

          Nagkakasundo sila na pagtulungan ako at sabihan ng kung ano-ano.

          Bigla akong nakaramdma ng matatalim na tingin sa isang gilid ko kaya pasimple akong lumingon.

          Sino yung nagbigay sa akin ng matalim na tingin? Malamang si Margaret. Sya lang naman yung may matinding galit sa akin eh!

          Isa pa 'to sa mga pinoproblema ko minsan. Kung bakit ang laki ng galit sa akin ni Margaret.

          Imposible naman na dahil lang kay Kaizer kaya sya galit sa akin di ba? Ang babaw naman ng dahilan nya kung ganoon nga.

          'Anong mababaw doon Felicitiy? Si Kaizer Buenavista pinag-uusapan dito! Natural na big deal kay Margaret iyon at sa iba pang babae sa Eastton ano!'

          May point yung boses sa utak ko. Siguro si Kaizer nga lang yung dahilan kung bakit galit na galit si Margaret sa akin.

          'Sabihin ko kaya sa kanya na fake lang yung relasyon namin ni Kaizer?' sa isip ko ulit.

          'Fake?! Anong fake doon?! Eh parehas nyo na ngang gusto yung isa't-isa eh! Nagkiss na nga kayo di ba?! Ano pa bang fake doon Sitti huh?!'

          Biglang uminit yung mukha ko nang maalala ko na naman yung tungkol sa "kiss" na iyon.

          Nakakainis! Kung bakit kasi kailangan pang ipaalala sa akin ng utak ko yung tungkol doon eh! Okay na nga kami ni Kaizer tapos...tapos...argh!

          "Miss Sandoval, are you okay?"

          Bigla akong napaangat ng tingin sa Professor namin ng tawagin nya ang pangalan ko.

          "Po?"

          "Namumula ka kasi. Okay ka lang ba?" halata sa boses ni Ma'am na concern sya sa akin.

          Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Mukhang nagkamali pa ng naisip na dahilan si Ma'am kung bakit namumula yung pisngi ko.

          Sabagay. Alangan namang sabihin ko yung totoong dahilan di ba? Nakakahiya iyon!

My Tag Boyfriend (Season 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora