Chapter 32

634K 10.6K 3.1K
                                    

A/N: As promised, HAPPY 1 MILLION READS MY TAG BOYFRIEND! Waaaa! Congrats sa ating lahat TAGGERS! Good job! 

Happy reading! And do not forget to leave comments alright? Sana ma-gets nyo yung meaning ni Kai Kia este ni Kaizer pala. See the logic. Pffft! At sana ma-cute-an kayo kasi ako na-cute-an eh! >///////<

 Chapter 32

Kaizer's P.O.V

          "Kaizer ano ba? Nagpapakamatay ka ba?!"

          Hindi ko na lang pinansin si Kris saka humarap kay Leo, isa sa mga ka-teammate ko.

          "Pasahan mo pa ako ng bola."

          "Kaizer ano ba?!" mas tumaas lalo yung boses ni Kris at alam kong naiinis na din sya sa akin ngayon.

          Matapos ipasa ni Leo yung bola sa akin, inis ko lang din iyon itinapon sa kung saan sa may court saka hinarap si Kris.

          "Anong tumigil?! Paano ako titigil?! Ayokong tumigil! Naiintindihan mo?!" inis na bulyaw ko sa kanya.

          "Sige! Bahala ka! Magpakamatay ka dyan!" inis na sabi na din nya.

          Nagpalitan kami ng masasamang tingin ni Kris saka pumagitna sa amin yung mga ka-teammate namin.         

          "Uy! Tama na yan! Relax lang kayo!"

          "Itong si Kaizer kasi eh!" sabi ni Kris sabay turo sa akin. "Hindi marunong makinig!"

          Hindi ko na lang sya pinansin saka ako na mismo ang kumuha ng bola ko mula sa basket sa may isang gilid saka pumwesto sa may three point shooting range sa court at saka nagshoot ulit ng bola. At pumasok naman iyon.

          Kailangan kong manalo. Kailangan naming manalo laban sa Eigaku University.

          Kung natalo kami nila last year, pwes ngayon, hindi na!

          Ayoko ko ng matalo sa kanila. Lalong-lalo na sa mayabang na captain ball ng team nila.

          At isa pa, ayokong natatalo ang team. Ako ang captain nila kaya kailangan kong paghusayan pa ang performance ko. Kailangan kong ipakita sa mga teammates ko na hindi na ulit kami matatalo ng Eigaku.

          Pero iyong pabidang si Kris, masyadong nakakainis! Pinipigilan nya ako sa kagustuhan kong gumaling at makapagperform ng maayos bukas! Tsk!

          O, sige na! Inaamin ko na medyo stress nga ako sa darating na laban namin bukas. Dahil una, makakaharap ulit namin yung team na tumalo sa amin last year. Pangalawa, regionals ito. At kapag hindi kami nakapasok dito, hindi kami makapasok sa finals. At panghuli, sa Eigaku ang lugar ng paglalabanan at panigurado akong maraming lait at pangbabara ang makukuha namin mula sa kalaban naming school na mas lalo lang magpapadagdag sa pressure namin kaya ayokong magpabaya.

          "Sabi ko naman sa'yo na mananalo tayo ngayong taon. Puso lang!" sabi na naman ni Kris sabay hinagisan nya ako ng bola sabay mabilis na shinoot ko iyon sa ring.

          At pumasok na naman ulit.

          "Wala akong panahon sa puso-puso mo, Kris!" sabi sabay napahawak sa magkabilang tuhod ko at lumanghap ng hangin.

          Okay, masama ito. Bibigya na yata ang katawan ko.

          Matapos ng dance party, nagsimula na din ang intensive practice namin kasama si coach. At matapos din noon, araw-araw na akong nandito sa gym para magpractice ng mga shoots at defense ko. Nag-iisip na din ako ng mga magandang strategy na gagamitin sa Eigaku.

My Tag Boyfriend (Season 1)Where stories live. Discover now