Chapter 37

605K 9.4K 2.5K
                                    

 Chapter 37

Sitti's P.O.V

          Para akong baliw na laging napapahawak sa pisngi ko tuwing naaalala ko ang kalapastanganang ginawa ng Kaizer Buenavista na iyon sa pisngi ko.

          Ang kapal ng mukha nya para kuhain na lang ang first kiss ng cheeks ko! Nakakainis!

          Ang mas nakakainis pa dito, hindi ko alam kung nagtoothbrush ba ang lalaki na iyon nung i-kiss nya yung pisngi ko!

          Nakakadiri! Naiisip ko pa lang yung mga libo-libong bacteria na nadikit sa pisngi ko eh kinikilabutan na ako!

          "Kyaaaa! Nandito na si Prince!" tili nung isa sa mga classmate namin.

          Nandito na pala ako sa classroom namin. Hindi ko man gusto pumasok ngayong araw dahil ayaw ko makita ang pagmumukha ng "first kiss on cheeks stealer" na si Kaizer Buenavista, no choice pa di ako kundi ang pumasok dahil mapapagalitan ako ni Mama.

          Halos ipagtulakan na nga nya ako palabas kanina sa bahay eh! Nakakainis si Mama minsan! Hindi man lang nya ako pinapayagang um-absent maliban na lang kung may sakit ako.

          Argh! Kakainis! Bakit kailangan ko pang maging classmate si yabang huh?! Paki sabi nga ulit sa akin kung sino yung magaling na nag-arrange ng classrooms ngayon at gigilitan ko ng leeg!

          Mas lumakas na ang tilian ng mga classmate kong babae nang nasa may pintuan na ng classroom si Kaizer at papasok na sa room.

          Habang naglalakad sya papasok sa room, isa-isang nagsitabi yung mga classmate kong babae na humaharang sa daraanan nito kanina.

          Ako naman pinapanood ko din sya sa pagpasok nya sa room namin.

          Kung sa mga classmates kong babae naghuhugis puso ang mga mata nila habang nakasunod ng tingin kay Kaizer, sa akin naman hugis diamond na kumikinang.

          Kumikinang sa galit.

          'Yan! Yang lalaki na yan ang umagaw sa first kiss ng cheeks ko! Nakakainis!' sa isip ko.

          Balak ko pa naman sanang ilaan ang first kiss ng pisngi ko, labi ko, ilong ko, mata ko, sa buong parte ng mukha ko kay Kaizer Buenavista—na fictional character. Hindi si yabang ah? At hindi din yung OP ni Kaizer sa Facebook.

          Kung totoo lang sana si Kaizer Buenavista na fictional character. Tsk!

          Speaking of OP pala ni Kaizer, wala na akong nababalitaan sa kanya.      

          Kagabi nag-open ako ng Facebook ko at nagpost ng status ko tungkol sa pagkainis ko sa buong araw ko.

          Usually kasi, sya ang unang nagla-like ng mga status ko sa FB. Pero ngayon wala.

          Chineck ko din yung wall nya kagabi at nakita ko yung last status nya ay yung mga panahon pa ng Mister and Miss Eastton University. Yung nagchat sya sa akin  na pupunta daw sya pero hindi naman sya pumunta? Yung nagsabi sya na isasayaw daw nya ako pero wala naman akong nakitang OP ni Kaizer?

          Speaking of mga nagsayaw sa akin. Naalala ko lang, tatlo lang naman ang nakipagsayaw sa akin nang gabi na iyon.

          Si Mobi. Si Kaizer at si Kris.

          'Hindi kaya isa sa kanila ang OP ni Kaizer?'

          "Ano na naman 'yang iniisip mo?" sabi ng isang boses sabay pitik sa noo ko.

My Tag Boyfriend (Season 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz