Chapter 3 : Bal

617 23 3
                                    

Sino daw?

"Si Val!" sigaw ko "Sinong Val?"

"Di mo na ba naaalala si bal?"

Alalang ala ko. Pero bakit ngayon pa siya bumalik? Bakit kung kailan malapit na kami umalis ni Love!

"Yung aso mo na galing sa Baler, love" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya

"Akala ko nakina auntie Amy siya?"

"Nanganak na kasi si Lyca eh, allergic ata yung baby"

"So? Duon siya sa condo?" Makakasama ko na yung baby ko!

"Yup!" sabi ni James "Pero kung gusto mo ay duon siya sa akin"

"Ayaw ko nga" binelatan ko nga siya "Miss ko yung baby ko"

"Di mo kaya siya pinapakain!"

"Ayaw ko na makipag away sayo"

--------

DIIIINNNGGG DOONNGGG

"PARATING NA!" binuksan ko yung pintuan tapos pumasok si James sa loob "Oh? Bakit ka nandito?"

"Gusto ko na humiga ka sa floor."

Ano daw?

"Bakit naman?"

"Basta.." usal niya

"Oo--ok" humiga ako tapos binato niya ako ng panyo

Kinakabahan ako sa gagawin niya. Pag ka lagay ko ng panyo ay magna-feel ako na mga maliliit na kamay sa tiyan ko. Tapos tumaas siya sa dibdib ko

"AAAAHHHH!!" dinilaan ako sa cheeks tapos pagkatanggal ko ng panyo ay may nakita ako na puti ng aso "BAL!"

"Buti naman ay nakilala ka pa ni Bal" binuhat ni James si Bal

"Of course! Baby ko yata yan"

"Tawang tawa ako sa reaction mo!" tumawa siya habang ginagaya yung mukha ko kaya sinimangutan ko siya

"Sige iwan ko si Bal muna dito habang kukuha ako ng dinner natin" Kiniss ako ni James tapos umalis siya

Flashback

"VAL!!" sigaw nya

"Bakit val?" lumabas ako ng kubo namin

"Halika! May pupuntahan tayo" hinila niya ako papunta sa isang tent na may lights

"Oh? Ikaw gumawa nito?" tanong ko habang pinaupo niya ako

"Yes!" tignignan ko siya at tinaasan ng kilay "Oo nga!" Sigaw niya

"Mmm! Ang sarap naman nitong barbecue"

"Talaga!?"

"Oo nga! Ang sarap pala magluto ng Val ko, puwede na yata siya na ang maging asawa ko" sabi ko at tinawanan siya

"Speaking of asawa..." may kinuha siya sa ilalim ng lamesa "Pikit ka nga pala"

Pumikit ako tapos may naramdaman ako na balahibo sa pisngi ko tapos may dumuli sa cheeks ko. Pagbukas ng mga mata ko ay nakita ko ang isang puting cute na aso

"Nagustuhan mo ba?" inabot sa akin ni Val yung aso

"Oo sobra!" hinalikan ko siya "Thank you Val!"

"Ano ipapangalan mo?"

"Siguro Bal na lang"

"Gusto mo na magkakapangalan tayo?"

"Oo, tapos shortcut ng Bal ang Baler. Diba?" nginitian niya ako ng malaki

-----

7:07 am

From : Sammy

Uy! Sama ka sa Pangasinan! Pupunta kami sa beach. Isama mo si James

To : Sammy

Sige. Sama kami ni James.
Kailan ba?

From : Sammy

This weekend.

"Love? Sama tayo kina Sam sa Pangasinan sa saturday"

"Sige"

"Bakit ang tahimik mo?" nilapitan ko siya at inakbayan

"Love--- kasi ano" kinakabahan siya

"Ano nga!"

"Si ano--" hindi niya natuloy ang sinabi niya ng biglang may bumukas sa pintuan namin at pumasok ang isang lalaki na hindi na iba sa akin.

"BAKIT NGAYON KA LANG!" lumapit ako sa kanya at hinug siya ng mahigpit. Sa sobra pagkamiss ko sa kanya ay nakalimutan ko na si Love.

"Sabi ko sayo" sabi ni Love "Mahal mo pa rin siya"



To be continued...



Sorry pa at short lang ang chapter na ito. Pero mag vote po kayo for a chance of a follow. At mag comment kayo kung ano ang gusto niyo na idagdag sa next chapters..

Twitter and Instagram
@hayzryll

mi amorWhere stories live. Discover now