Chapter 10 : The Past and Present

415 11 3
                                    

"Oh?" yun na lang nasabi ko sa kanya

"Sinugest ni Ford siya" sabi ni James "Siya rin yung photographer natin for tomorrow"

"Really?" ang sweet nu Love "Thank you love!" kiniss ko siya

"So?" sabi ni Ana "What time will we meet tomorrow?"

"Maybe 9" sabi ko

"Oh! Here is also the list of places I would like us to shoot" nag abot siya sa akin ng album tapos nakita ko yung magagandang pictures pero nung nakita ko yung last picture.

"WOW!" sabi ni James "Ang sweet niyo ni Ford dito" tinuro niya yung picture na nasa taas sila ni Ford ng Eiffel Tower at nakatalikod sila at holding hands

"Oo nga" sabi ko

May tumawag kay Ana at tumayo siya. Mamayamaya ay bumalik siya sa table

"Sorry I gotta go" kinuha niya yung album sa amin "I have some other work to do. I'll meet you at the cafe at 9"


.........

"Anong oras na?" tanong ko

"9:15" sagot ni Love

"Ano ba yan! Ang tagal na natin na naghihintay sakanya" nakakabanasa na "Walang professionalism!"

"Love. Wag ka na magalit"

"At bakit naman?"

"Nandyan na siya eh"

Dumating si Ana na naka shorts and high boots at muscle tee na matching kay Ford

"Wow!" sabi ni James "Ang cute ng sando niyo"

Oo ang cute! Pagjejemon ka!

"Tara na!" sabi ko



Ford's Point of View

Grabe! Ang ganda talaga ni Val.
Kaya ko mahal yan eh. Tapos ang galing niya magpose at photogenic pa siya.

"James! Akbayan mo naman si Alihya" sabi ni Ana

"Ganito ba?"

"A little to the left"

Epal talaga tong James na ito eh. Ang ganda na nga ng shot ng baby ko tapos eepal pa siya.

"Baby?"

"Baby?" sabi ni Ana "BABY!" sigaw na niya this time.

"What?" sabi ko

"Papalit nga ng lens" kinuha ko yung lens ni Ana tapos pinalit ko.

Alam niyo? Mahal ko yang si Ana. Araw araw siya sa Cafe tapos araw araw ay chocolate frap ang order niya. Then nalaman ko na parehas ang likes namin. Nainlove ako agad sa kanya. Pero dumating si Val. Ganun pa rin ang epekto niya sa akin. Pero ayaw ko saktan si Ana.
Mabait siyang tao at hindi niya diserve ang masaktan.

"Baby? Ang sweet nila" sabi ni Ana

"Oo nga" sabi ko "Pero mas sweet tayo." kiniss ko siya sa forehead niya "Patingin nga ng shots mo"

Ang ganda talaga kumuha ni Ana. Pati na rin yung subject. AH! Bakit ba ang hirap magmahal?

Bakit ang gusto ng puso ko dalawa?



Alihya's Point of View

Ang landi!

Pigilan niyo ako!

Masasabunutan ko yang Ana na yan!

"James! Maglean ka sa wall konti"

"Ganito ba?"

"Konti pa!"

Halatang pinagnanasaan si James! Kanina pa kaya siya ang sinoshoot. Hindi ba niya alam na model ako?

"Ang galing mo Baby!" sabi ni Ford

Hay nako! Baby tawan ka rin niyan

"Love. Kiss mo ako"

"Ok" sabi ni James

Tapos kinuhanan kami ni Ana.

"Aw! Ang sweet niyo talaga!"



///////

Natapos yung shoot then nagyaya ako na magshopping kami ni Love.

"Bilhin na natin!" sabi ko

"Mahal nga eh!"

"Pleaasseee?" sabi ko

"Sige na nga!" YES! Napaoo ko rin siya! Kailangan pa namin magtalo para sa bracelet na yan.

Bumili kasi kami ng bangel na gold and silver para may souvenier naman kami.

James' Point of View

"Pupunta lang ako sa Guess!" sabi ni Love "Babalik din ako!"

Nakakapagod talaga magshopping! Yan tuloy! Kailangan ko umupo dito sa may bench sa labas! Ang hirap talaga kasama ang mga babae.

..

Teka! Parang isang oras na akong naghihintay!

Pumasok ako sa Guess at tinanong kung pumasok ba si Love dito. Oo naman daw pero umalis din siya.

ALAH!

Kinakabahan ako!

Sa lahat ba naman ng lugar ay dito pa sa Paris ko mawawala si Love?

Nalibot ako sa may street pero wala siya!

LOVE! ASAN KA NA!






To be continued.....

Hi guys! I hope you enjoyed this update kung oo ay magvote naman kayo mga bessy! Katulad ni @mitzieb17 thank you for voting and following me. Love you na!

Babush!

mi amorWhere stories live. Discover now