Chapter 4 : The Comeback

582 17 0
                                    

Alihya's Point of View

"KUYA!!" niyakap ko siya ng mahigpit "Bakit ngayon ka lang dumating?"

"Natagalan ba?" sabi ni Kuya

"Hindi-- naman"

"Sorry" pinunasan ni kuya yung mga luha ko "Iniwan kita ng mag-isa. Wala na nga sina mama, iniwan pa kita-- anjan naman si James"

"Sige kuya, iwan ko muna kayo" hinug niya si kuya

......

"Kamusta ka na?"

"Ok lang naman.." himinga ako ng malalim "Ikaw? Kailan kayo ikakasal ni Jamie"

"Ha! Malayo pa."

"Takot ka lang magpropose" asar ko sa kanya

"Siguro nga.." buntong hininga niya

Siya si Vince Jace Manuel. Siya ang nagiisa ko lang na pamilya sa Pilipinas kasi ang mommy ko nasa Australia kasama yung boyfriend niya. At si daddy ay nasa Canada kasama yung family niya. So basically ay iniisip niyo ay broken family kami pero hindi. Ang mom ko at dad ay masaya sa kanilang mga sariling buhay at ako ay masaya din sa pinapadala nila sa pera. Pero tuwing Christmas ay sa Canada ako at sa Summer ay sa Australia ako. Si kuya naman ay malapit na SANA ikasal sa best friend niya na si Jamie Salvador.

"So anong plano mo sa buhay Ali?"

"Pumunta sa Bora bora" sabi ko

"Hay naku" ginulo ni Kuya yung buhok ko "So? Masaya ka ba kay James? Kahit duon sa nangyari kay Val?"

"Kuya puro ka tanong.." huminga ako ng malalim "Hindi ako masaya kuya. Dahil pagkasama ko si James hindi ko alam kung gaano ko siya kamahal. Kahit alam kong minahal ko si Val minsan, hindi nuon ibig sabihin na siya lang ang nagiisa kong minanahal ko ng tunay" Nanatili siyang tahimik at bumuntong hininga ako

"Kailan graduation mo?" kumuha si kuya ng pizza sa lamesa "Pupunta daw si Dad at Mom"

"Bakit?" tanong ko

"Kasi-" anas niya

"Kasi?" tinaasan ko siya ng kilay

"Kasi di ko alam" sabi niya at kinamot ang ulo

--------

Bumilis lang ang panahon at dumating na ang graduation namin. Napuno yung gym ng decoration na blue and gold. Iba't ibang ilaw ang sumalubong sa amin. Nagspeech yung principal namin at pati rin yung valedictorian at etc.

Nung nabigay na sa akin yung diploma ko ay halos maiyak na ako. Dahil hindi ko alam na makakaya ko pala lampasan ang apat na taon ng pagdurusa ko sa school pero naiyak ako.

"Aa-aal--i-hya--" umiiyak si Sam ng lumapit sa akin

"Mag--tiiisss-uee ka muna" asar ko sa kanya

"Mamimiss kita"

"Parehas parin tayo ng trabaho"

"Parinn" hinug ako ni Sam

.......

"Ma! Pa!" sinalubong ko sila malapit sa kotse kung saan nakita ko si Kuya, Ate Jamie, Mama at Papa. "Woah! Ito na ba si Kylie?" nilapitan ko si Kylie na nagpabuhat sa akin

"Congrats Alihya!" nilapitan ako ni mama at binigiyan niya ako ng flowers.

"Love!" tumakbo sa akin si James "Picture muna tayo!"

"James? Ikaw na ba yan?" nilapitan ni Papa si James "Nag-gym ka?"

"Yes po" pagood boy si kuya

"Oh? Picture tayo?" sabi ng mama ni James

Nagpicture-picture kami at nagdecide na kumain sa resto nila ate Jamie. Magkakasama kami nila Love at family nila.

"So? Kailan ang alis niyo papunta sa Paris?" tanong ni Papa

"Next Saturday pa po" sagot ni Love

"Dapat puntahan niyo yung Eiffel Tower" sabi ni mama

"We will nga mom" sagot ko "We also hired photographer"

"That's great!" sabi ng mom ni James

Dumaan yung dinner na hindi nagaaway si Mama at Papa.

------


"Nasaan yung susi ko?" tanong ni James

"Diba nasa bag mo?" palagi na lang nakakawala ng susi si Love

"Anong gagawin ko kung wala ka?"

"Di ka makakapasok sa bahay mo!"

Nandito kami ngayon sa transient kung yun ang tawag nito sa Paris. Pero bukas pa kami lalabas dahil alam niyo na! JETLAG!

At ang saya ko dahil kasama ko si Love.




To be continued...

mi amorWhere stories live. Discover now