Chapter 8 : A Promise in Paris

406 16 0
                                    

'Good Morning!' sabi sa note sa table sa cafe. Hindi ko alam kung bakit nasisikmura ko pa kumain dito.

"Good Morning!" sabi niya sa akin habang inaabot yung coffee ko "San yung loveee mo?"

"Umalis. Di niya sinabi sa akin nga eh"

"WOW!" sigaw niya "Ok na tayo?"

"Siguro?"

"Dapat lang" umupo siya "So? Puwede ba kita dalhin somewhere?"

"Saan?"

"Basta!"

Umalis kami sa cafe at dinala niya ako sa isang lugar na alam ko na alam niya na matagal ko na gusto puntahan. I can't believe na sumama ako sa taong to. Pero parang may namiss ako. Hindi ko sasabihin na namiss ko yung kami kasi mali yun eh. Pero...

"Bakit?"

"Anong bakit?" sagot niya

"Bakit mo ako dinala dito sa Eiffel Tower?"

"Kasi walang bantay eh" tumawa siya

"Anong bantay?" so dahil wala si James ay gagawin mo to?

"Si looovveeee mo"

"My god!" nilabas ko yung phone ko "Ano ba kailangan mo?"

Kinuha niya yung phone ko "Sino ang tatawagan mo?"

"Si james!" kinukuha ko yung phone ko sa kanya

"Ano? Para malaman niya na kasama mo ang ex mo?"

"Hindi! Para malaman niya na kasama ko ang friend namin!"

"Are you sure?"

"Fine!" sinara ko yung phone ko at lumapit sa entrance papunta sa Eiffel Tower

////

"Val?" hinawakan ko yung buhok niya "Gusto ko pumunta sa Paris para sa anniversary natin

"Bakit sa Paris?" tanong niya

"Kasi duon nagmeet yung parents ko dati. Kahit hindi sila masaya together ay sobrang ganda ng love story nila para sa akin"

"Hahawakan ko yung kamay mo sa Eiffel Tower habang kumakain tayo ng churros." hinawakan niya yung kamay ko "Tapos magpipicture tayo sa polariod camera "

"Planado mo na ah?"

"Of course. Pati nga anak eh--" binatukan ko siya "AARAYY!"

"Pasalamat ka mahal kita ah! Kung hindi ay matagal na kita hinulog dito sa terrace"




/////


Biglang may umabot ng churros sa harap ko.

"Ano to?" tanong ko

"Ay di mo alam? Pagkain yan na nilalagaw sa mouth"

"Alam ko!"

Tumawa siya tapos tumabi sa akin sa terrace

"Hindi ko aakalain na ganito ito kaganda"

"Hindi ka pa ba nakakapunta dito?" tanong ko

"Oo. Kasi gusto ko kasama ka"

Dug dug... Dug dug... Dug dug..

Bigla kong naaalala ang namiss ko.

"Ay magpicture tayo!" kinuha niya yung polariod camera ko sa bag

"Wow! Ayos ka din eh"

"Sige na ah.. Ngayon lang toh! Promise"

Wala akong nagawa dahil makulit siya. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako habang hawak niya yung camera.

"WALA KANG FILM!" sigaw niya sa akin

"Sorry na ah?"

"Hay naku!" padabog niya binalik sa akin yung camera

"Sus para ka namang bata!"

"Promise ko sayo toh!"

"Ano?" sagot ko

"Pagbalik natin dito ay akin ka na ulit at handa na kitang maging asawa"




To be continued....

Alah guys! Sorry sa long time na hindi ako nakapagupdate dahil naging busy ako sa ibang bagay pero umasa kayo na every week ay may bagong update.

Love,
Me

mi amorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن