/3/ Surprise

110K 4.7K 1.7K
                                    

"CLOUD," Napatingin ako kay Cloud at nakita ko ang labis na pagkagulat sa kanyang mukha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"CLOUD," Napatingin ako kay Cloud at nakita ko ang labis na pagkagulat sa kanyang mukha. Damn, nasira na yung concentration niya at siguradong alam na ni Eliza na may mga kasama kami rito ngayon.

"Well," ibinalik ko ang tingin ko sa kanila at nakita ko si Eliza na nakahalukipkip at katabi si Margaux. Paanong nangyari 'to? P-patay na siya! "You think you can easily fool me, Jill?" hindi ko pinansin si Eliza at muli kong binalingan si Cloud.

"Cloud, this is just an illusion," pangkukumbinsi ko sa kanya. "She's not your mom―"

"It's her." Malamig na sagot niya sa akin, kitang kita ko ang butil ng kanyang pawis sa mukha. Umiling ako ngunit napaatras siya.

"Your move is very predictable, Jill Morie," napatingin ako muli kay Eliza. "Baka nakakalimutan mo na ako ang nagplano noon para makatakas tayo sa MIP, can't you think of better ideas now without me?" hindi ko inaasahan na manggagaling mismo sa bibig niya ang mga salitang 'yon, ito ang unang pagkakataon na makitaan ko siya ng kaarogantehan. Hindi pa rin umuusal ng kahit isang salita si Margaux, parang robot lang na nakatingin sa amin, kaya naisip ko na baka nililinlang lang kami ng aming mga paningin.

"Jill. Kasama ko na si Karen at ang kambal. Nandito na kami sa sasakyan, let's go!" Bigla kong narinig yung boses ni Cairo. Medyo nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi ko ipinahalata sa kanila na may nalaman ako. Sa tingin ko hindi pa alam ni Eliza, kailangan na naming umalis dito kaagad!

"Eliza, hindi na ba natin pwedeng pag-usapan 'to?" si Dean, nakikiusap.

"Matigas ang ulo ni Morie, Dean," sabi ni Eliza. "Kung papayag lang siya sa inalok ko ay hindi naman natin kinakailangang humantong sa ganito."

"Eliza―"

"Pero kung kinakailangang pilitin siya, gagawin ko, kahit ano," naunang umalis si Margaux, nakita ko si Cloud na parang gusto niya itong habulin ngunit pinigil ang sarili. "See you in Beijing, guys."

"Wag mo kong pinipikon Eliza!" sigaw ni Dean. "Hindi kita hahayaang makaalis dito!"

"You wish," pagkasabi nito'y lumitaw naman sa harapan namin si Vince. "Brother, ikaw na muna ang bahala sa kanila."

"Vicente!" sigaw muli ni Dean.

"Yoh!" Masaya pang bati nito. "Unfortunately isa na lang yung extra ticket namin papuntang China kaya si Jill lang ang isasama namin, sorry Cloudy and Deany."

"Fuck you!!!" si Dean. "Traydor!"

Nagsimulang magpadami ng clones si Vince, at habang napapalibutan kami nito ay hinawakan ako ni Dean sa braso.

"Jill, tumakbo na kayo ni Cloud, ikaw ang target dito, ako na bahala sa kupal na 'to." Seryosong pahayag niya.

Tumango kami ni Cloud at tumakbo, naiwan si Dean mag-isa, kaharap ang madaming clone ni Vince. Nag-eexpect ako ng mga Sentinel sa hallway ngunit wala kaming nakita kahit na isa.

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Where stories live. Discover now