/16/ For the Sake

116K 4.5K 4.4K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"All the world's a stage,

And all the men and women merely players;

They have their exits and their entrances,

And one man in his time plays many parts,"

—William Shakespeare



/16/ For the Sake


"CONGRATULATIONS."

Sa isang iglap ay bigla akong nagmulat. Walang alaala kung paano ako napunta rito, nakaupo sa gitna ng kadiliman at tanging tinig ng isang nilalang ang nagpabalik sa aking sarili.

"Well done, Jill Morie." Sa isang pitik ay tila bumukas ang mga ilaw, nakita ko ang isang pamilyar na silid, isang silid na minsan kong pinasok noon, ang natatandaan ko'y ang isang pinto na mayroong naka-ukit na mga letrang 'Atlas'.

"Hindi ko inaasahan na ikaw ang kauna-unahang player sa kasaysayan ng Akasha's game ang makakarating sa puntong ito. Hindi mo ako binigo, you deserve my recognition." Sa harapan, unti-unting umikot ang silya niya at nakita ko siya.

"Rama Melchiore." Kusang lumabas ang mga salitang iyan sa bibig ko, malabo pa rin ang alaala kung paano ako napunta rito.

"But I must say, it's too early to celebrate, you still have to cross the fifth, sixth and seventh level." Kitang kita ko ngayon ang kanyang itsura, wala siyang suot na kahit na anong kulorete sa ulo, walang salamin at sombrero, puti pa rin ang suot niyang damit. "You still suffer a little memory loss but don't worry." He snapped his finger and suddenly I remembered everything that happened in this game.

And the fact—that this world is not real.

"There, much better?" he asked.

"Where are my friends?"

"Nagpapahinga sila, huwag kang mag-alala." Nagulat ako nang mapagtanto ko na nakakapagsalita siya ng language ko, "Gusto lang kita batiin ng personal dahil lubha mo akong napabilib sa ginawa mo." Bigla kong naalala, sinaksak ko ang sarili kong puso, kinapa ko ang kaliwa kong dibdib at hindi ko naramdaman ang pintig nito. "You can't, you already destroyed it."

"B-bakit ako nandito?" may bakas ng pangamba kong tanong sa kanya, hindi ko naikubli.

"Bilang gantimpala sa iyong pagwawagi sa nakaraang level, to confirm the truth that this world is not real." Napakunot ako sa sinabi niya, "Totus mundus agit histrionem, it means 'all the world plays the actor', sa mundong ito you're just a player who has to play your own part, and fortunately in this world, you are the main character."

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon