/9/ Will be

113K 4.3K 2.2K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"O-otis," akay-akay nila Finnix si ang naghihingalong si Pascal. "W-wag niyo na kong alalahanin."

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Malapit na tayo!" Sagot naman ni Finnix dito at narinig naming ang marahan na pagtawa ni Pascal. Nauuna sila sa amin habang naglalakad, at nasa likuran naman namin ni Cloud si Cairo. Papalubog na ang araw at natatanaw na naming ang station kung saan may isang malaking red flag, ang finish line.

"N-nagpapakabayani ka ba para sa'kin? B-baka nakakalimutan mo... na mga traydor tayo rito."

"Pascal."

"J-jill," lumingon si Pascal sa akin at napahinto sila sa paglalakad. "H-hindi man kami karapat-dapat patawarin pero... Sorry." Hindi ako nagsalita, nakita kong ngumiti siya, bakas pa rin ang panghihina sa buo niyang katawan. "Sorry kung..." magsasalita pa ito ngunit.

"Pascal!" Sigaw ni Finnix. "Tama na."

"P-pero—"

"Pascal." At sa pagkakataong ito ay tinawag ko siya, "Hindi niyo pa rin napagbabayaran ang lahat. Look." At itinuro ko ang kinaroroonan ng finish line, "We're almost there."

"What Jill is trying to say," biglang umentra si Cloud. "Just don't die." Tumingin siya sa akin at kinindatan ako.

"Salamat." Ngumiti si Pascal at nagpatuloy ulit silang tatlo sa paglalakad. Napatingin ako kay Cairo na tahimik lang at diretsong nakatingin sa daan, kanina pa siya hindi nagsasalita.

ANG grupo naming ang pinakahuling nakarating sa finish line. Malayo pa lang ay nakatingin na ang iba pang mga player sa amin. At nang pagkadaong ng mga paa naming sa guhit ay saktong bumigay si Pascal at bumagsak sa lupa.

"Pascal!" sigaw ni Finnix. Pati kami ni Cloud ay kaagad na dinaluhan ito. "Tulong!" ngunit pagkatingin namin sa iba pang players ay nakatitig lamang sila, hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nila sapagkat tila naririnig ko ang natitirang pagpintig ng hininga ni Pascal.

Maya-maya'y nakita ko siyang humahangos sa kinaroroonan naming at tumabi sila Finnix at Pascal na nagulat dahil sa pagdating niya.

"Palm." Halos pabulong kong sabi at natulala lang ako sa kanya habang pinapanood siya.

"I'll help," sabi niya at inilapat niya ang dalawang palad sa mismong sugat ni Pascal, umilaw ang kanyang mga kamay at nakita namin kung paano naghilom at bumalik sa normal ang sugat. Muli ko siyang tinitigan at hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niyang maging traydor at ngayon ay narito siya at tumutulong. Nawala ang pagliwang sa kanyang mga kamay ngunit nawalan na ng malay si Pascal. "Ang lason... kumalat na sa buo niyang katawan." She tried to heal him again as she glowed her hands, "No, no, no." Napakunot ako, she's trying her best to heal him... for what? She's a traitor and that made no difference.

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Where stories live. Discover now