/31/ The Arrival of the Signs

98.7K 3.9K 1.6K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Beijing, China


[Cloud Enriquez's POV]


SHE disappeared.

Alam ko hindi panaginip ang nangyari, totoo ang lahat, ang pangyayari kagabi. Pero wala na siya ngayon, wala na siya sa tabi ko. Kaagad akong bumangon at gumayak, I need to find her.

I tried to sense her presence but I failed to. Where are they?

"Nasa meeting room kami," nagulat ako nang sumagot si Cairo sa isip ko, "Come down here."

Kaagad akong pumunta sa elevator para puntahan sila, the staff greeted me pero hindi ko siya pinansin. Nang matunton ko ang kinaroroonan nila ay sabay-sabay silang napatingin sa akin nang pumasok ako sa loob ng meeting room. Nakita ko sila sa long table... Kumakain...ng agahan.

"Good morning, Cloudy!" si Vince.

"A-anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila matapos kong humakbang palapit.

"Obvious ba? Edi kumakain?" sagot sa'kin ni Jing sabay subo ng malaki, nagpatuloy silang lahat sa ginagawa at kalmadong kalmado na akala mo ay turista kami rito. "Oh, umupo ka na at kumain, mukha kang pagod—kakatakbo."

I slammed the table and they all stopped on what they're doing.

"Nawawala si Jill! How can you all stay calm and act as if nothing happened?!" sigaw ko sa kanilang lahat, nakatulala lang sila habang ako ay pinipigil na mas lalong sumabog sa galit dahil sa inaasta nila.

"Nawawala si Jill?" komento ni Vince at luminga-linga, "Parang wala namang bago ron—"

Susugurin ko na sana siya kung hindi lang humarang si Otis, dala pa ang bowl habang humihigop ng noodles. Kahit anong pilit kong daan ay hinaharangan niya ko.

"What's wrong with all of you?!"

"Cloud," napatingin ako sa kanya, at katulad ng inaasahan ay napaka kalmado lang din niya, "Sit down." Nagtitigan lang kaming dalawa hanggang sa mapagtanto ko na ako lang ang nagkakaganito ngayon. Sinunod ko si Eliza at umupo ako sa tabi ni Cairo, umupo na rin si Otis.

"Peace, Cloud," hindi ko pinansin si Vince. Napahinga ako ng malalim, mali ang ginawa ko.

Tumikhim si Cairo at muli silang kumain lahat, ako lang 'ata ang walang gana kumain.

"Hoy," tawag ni Jing sa'kin na kaharap ko sa mesa, "Kumain ka." Pero tinitigan ko lang siya.

"Cloud, hindi lang naman ikaw ang may karapatan mag-alala kay Jill," napatingin ako kay Palm na katabi ni Pascal. "Nag-aalala rin kami."

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Where stories live. Discover now