Chapter 25: Empty Room

589K 12.2K 4K
                                    

Akira's POV.

After a week ng pamamahinga sa bahay ay pumasok na ko. Masyadong boring sa bahay dahil naiiwan lang ako sa mga katulong pag school days.

Pinark ko ang kotse ko sa parking spot ko. Yup! May bago akong kotse, nagpabili na ko sa magulang ko, tutal naman mayaman sila haha.

Hirap na hirap ako mag commute at delikado para sa amin ni baby.

Pagbaba ko ng kotse ay sinalubong ako ni Cloud na nakangiti ng malawak. Nag open arms sya kaya lumapit ako para yakapin sya. Sa one week kong bakasyon ay once lang ata sya nakadalaw dahil iniiwasan nya ding magpang abot sila ni Thunder.

They are both uncomfortable with one another.

"I missed you princess" sabi nya sakin kaya bumitaw na ko sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya. Tiningnan nya ang kotse ko. "Is it safe for you to drive? Pwede naman kitang ihatid-sundo" he said with a concerned tone.

Grabe ang daddy-material ni Cloud honestly.

Kung sino man ang mapapangasawa nito, sobrang swerte. Siguro hahanap si Cloud ng misis na sobrang bait at mahinhin, yung ka match nya ng personality.

"No worries, natanong ko na yan sa OB ko pero kailangan lang mas maingat ako, mas okay na yan kesa mag commute ako" I answered him.

"As if I'm gonna let you commute again" he said.

"Buti naman at pumasok na ang mahal na reyna" narinig kong sabi ni Sanya habang papalapit kaya lumingon ako sa kanya.

"Sorry na, okay? Hindi naman kita pinipilit na dalawin ako everyday sa bahay" sabi ko.

"You know she's addicted to you, mas mahal ka yata nyan kaysa sakin" sabi ni Josh.

"Of course! Sayang naman ang pagiging magkaibigan namin since kindergarten, matagal na panahon na din ang tiniis ko sa mga kalokahan ni Akira" sabi ni Sanya na humalukipkip.

"You should have known that already Josh" sabi ko bago tumawa.

"Kung lalaki lang si Aki or ako, kami magjowa ngayon" Sanya joked

"You two!" Josh said.

"As much as I wanna keep teasing you, hindi pa ko nag breakfast, tara sa canteen?" yaya ni Sanya.

"Kayo na lang, busog pa ko. Nag almusal na ko sa bahay" sagot ko sa kanila.

"Sasamahan ko na lang si Akira" sabi ni Cloud.

"Asus, gusto mo lang masolo si Akira, baka mag away na naman kayo ni Sir Montenegro" sabi ni Josh.

"I don't care about him" simpleng sagot lang ni Cloud.

Nginitian ko na lang si Cloud para mawala ang inis nya at masaya syang nag smile back sakin.

"Sige na kain na muna kami, sa klase na lang Aki ha?" sabi ni Sanya na tinanguan ko at nagsimula na silang maglakad palayo.

"Sa garden na lang tayo, may 20 minutes pa naman" sabi ko.

"Let's go to the garden then" sabi nya.

Paalis na kami ng mahagip ng dulo ng mata ko ang tatlong babaeng masasamang nakatingin sakin ngayon. Are they watching me? Whatever! I don't get those mean girls. Ako na lang lagi ang pinagtitripan. Wala ba silang life?

Nakarating kami sa garden at naupo ako sa bench habang nakatayo lang si Cloud sa harapan ko.

"So how was he to you? Did he treat you well?" nagulat ako sa tanong ni Cloud.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now