Chapter 26: Someday

581K 13.1K 4.4K
                                    

PS: Listen to the multimedia attach para feel haha.

Akira's POV.

Nagising ako sa tunog ng makina na patuloy ang pag beep.

Dinilat ko ang mata ko. Puting paligid. Ospital na naman. Tila naging paborito ko na ito ngayong taon

Unti-unting nag sink in sakin ang lahat ng nangyari.

Pinilit kong ibangon ang sarili ko sa kama.

Nakita kong agad naglapitan sakin ang mga kaibigan ko.

"Aki, mabuti naman at gising ka na" bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni Sanya.

"Sanya, Sanya yung baby ko? Okay lang ba sya?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinapa ko ang tiyan ko. Okay lang naman ang baby ko diba?

Nararamdaman kong ayos lang sya.

Hindi agad sumagot si Sanya kaya tumingin ako kay Josh at Cloud.

"Aki, hindi pa dumadating ang doktor mo kaya wag kang mag panic, baka parating na rij yun. Relax ka lang" sabi ni Josh.

Gusto ko sanang hanapin si Thunder dahil kailangan ko sya dito ngayon pero naalala ko ang nakita ko na naging sanhi ng lahat ng ito.

How can he do that to me?

Wala sanang mangyari sa baby ko dahil kung meron ay parehas ko silang hindi mapapatawad.

"Cloud, kinakabahan ako" sabi ko dahil tila maiiyak na ako.

Lumapit sakin si Cloud. Umupo sya sa tabi ko at hinila nya ko payakap at hinalikan sa ulo. He is trying to calm me down.

Bumukas ang pinto at pumasok dito ang sa tantya kong nasa mid 40's ng doktor. Nananatili pa rin syang maganda sa kabila ng edad nya.

Lumapit sya sakin at chineck ang mga vitals ko.

"Dok, kamusta ang baby ko? Okay naman po sya diba?" pinilit kong ngumiti kahit pa tinatambol na ang puso ko.

Kabang-kaba ako pero kailangan kong maging positive.

Alam kong okay ang baby ko.

"I'm so sorry Akira" yun palang ang sinasabi nya ay gusto ko ng umiyak. "We tried our best but your baby is still weak. I'm sorry but your baby didn't survive. I'm so sorry for your lost" walang emosyon at diretso nya lang na sinabi sakin iyon.

Ganito na ba ang mga doktor ngayon?

"S-stop joking around dok, a-alam kong o-okay ang b-baby ko. Ramdam ko na ayos lang sya" nanginginig na ang boses ko at pakiramdam ko ay may nakabara na sa lalamunan ko.

"Sorry Akira, wala na talaga sya"

Tuluyan ng nagbagsakan ang luha ko.

"Hindi-hindi! Nagsisinungaling ka diba?! Hindi pa patay ang anak ko!" nagwawala na ko doon pero pinipigilan ako ni Cloud dahil yakap yakap nya ko.

"Lalabas na muna ako, I know how difficult this is for you hija kaya kayo muna ang bahala sa kaibigan nyo" sabi nung doktora at tuluyan na itong lumabas kahit pa tinatawag ko sya.

"Akira, wala na ang bata. Huminahon ka, nasasaktan mo na ang sarili mo" sigaw sakin ni Sanya.

Nahatak ko na pala ang mga dextrose at dumudugo na ang kamay ko.

"Hindi totoo yan! Hindi pa patay ang anak ko!" sigaw ko pabalik.

"Kailangan tanggapin mo dahil makakasama sa lagay mo kung ipagpapatuloy mo ito, I know it is difficult pero nandito ako, kami" Sanya.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum