Special Chapter Part 1

447K 7.4K 691
                                    

Dedicated to: Joanna

Akira's POV.

Nakailang doorbell na ako at wala pa ring lumalabas na tao sa bungalow na bahay na to. Bungalow lang ang bahay pero ang ganda pa din tingnan. Alam mo na agad na may kaya ang may ari. Wala pa rin sigurong nakatira dito. Akala ko ngayon na sila lilipat.

Bakit pa kasi pinasama ko si Celestine sa bakasyon nila mommy. Ang boring tuloy sa bahay. I already miss my daughter at 1 month pa sila doon dahil cruise ship yun na nagtu tour sa iba't ibang bansa.

Aalis na sana ako ng bumukas ang pinto at bumungad sakin ang babaeng may wavy na buhok, maputi, matangkad, maganda, sobrang ganda nya but her personality is screaming of authority.

"Aki" she smiled at me.

"Hi Luna!" sabi ko at nginitian sya.

Luna, she's Luna Serenity Hermosa, asawa ni Cloud

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Luna, she's Luna Serenity Hermosa, asawa ni Cloud.

Oo, asawa sya. Maniwala man kayo o hindi. Kahit ako nagulat. As in gulat na gulat ako dahil parang last week lang ata nung makatanggap ako ng sampal sa kanya dahil akala nya ay into Cloud pa din ako.

I guess he really loves Cloud kaya ganun ang naging reaksyon nya. I understand her. Nag apologize naman sya later on kaya okay na kami.

"You need something? Wala si Cloud nasa office sya. Ako lang nandito kasi naglilinis ako para makalipat na kami next week" Luna said.

Ah hindi pa paoa sila nakatira dito. Ano ka ba naman Aki nabobobo ka na talaga, puro na lang kasi si Thunder ang iniisip mo.

"Hindi, ikaw talaga ang sadya ko. Buti nga at naabutan kita dito" sabi ko sa kanya.

"Ha? Why? May problema ba?" concerned nyang tanong sakin pero mabilis akong umiling at ngumiti.

"Nabo bored na kasi ako sa bahay. Maybe gusto mo kong samahan mag mall" sabi ko.

Tumawa sya.

"You look cute Aki, no wonder only you can tame the dragon" sabi nya.

Dragon. She's talking about Thunder. Si Luna kasi yung tipo ng babaeng palaban pero wala pa rin syang panama kapag na beast mode si kulog. That man kahit na ang tagal na naming mag asawa. Nakakatakot pa din sya kapag nagagalit.

"Ikaw talaga Luna! Pretty please? Sumama ka na. Malungkot kumain gumala mag isa" I said.

"Fine. Saglit lang kukunin ko lang yung gamit ko" sabi nya at pumasok na sa loob.

Paglabas nya ay dala nya na ang bag nya. We used my car and drove to my favorite mall.

Nag ikot ikot lang kami ni Luna. I stopped nung makita ko si Luna na parang hindi mapakali.

"Are you okay?" tanong ko.

Lumingon sya sa paligid at ngumiti sakin.

"Yeah" sabi nya.

"Daan na muna tayong botique, may bibilhin lang ako" sabi ko. Tumango naman sya kaya hinila ko na sya sa boutique ng paborito kong designer.

Nag ikot ikot lang kami ni Luna at ang dami na naming napamili. Tiningna ko ang wrist watch ko. 5:46 pm na pala.

"Pagod na ko" sabi ko.

"Akala ko hindi pa e" sabi ni Luna at tumawa.

Masarap kasama si Luna sa totoo lang. Hindi sya mareklamo although hindi sya pala kwento about herself pero willing to listen naman sya sa lahat ng kwento ko. No wonder Cloud fell inlove with her.

Alam kong mahal sya ni Cloud. Minahal nga siguro ako ni Cloud pero hindi gaya ng pagmamahal nya kay Luna. Yung mga tingin nya pa lang dito, ramdam mo na agad na mahal nya to.

"Hmm. Kain muna tayo. Nearby lang yung isang chain ng hotel ni Cloud dito. Masarap ang pagkain sa restaurant nun. Tara" sabi ko.

"Tara, I'm also hungry" Luna.

15 minutes away lang ang mall sa hotel ni Cloud kaya mabilis kaming nakarating.

We headed to the restaurant.
Habang kumakain ay masaya lang kaming nagkukwentuhan ni Luna.

Nung matapos kami ay nagpasya na kaming umuwi dahil parehas na kaming pagod ni Luna.

Papalabas na sana kami ng hotel ni Luna ng bumukas ang elevator at napatda ako sa kinatatayuan ko.

Na froze ata ako at hindi ako nakagalaw pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko at parang maiiyak ako.

Lumabas ng elevator si Thunder at may naka angkla pa ditong babaeng intsik. Mukha itong model. Maganda sya and they are laughing together.

"Thunder, thank you for coming. I really had a great time. Till next time?" narinig kong sabi nung intsik kaya mas lalong parang sinaksan ang puso ko.

They had a great time?
Anong ginagawa ng asawa ko sa hotel kasama ang isang babae?

Ano pa ba Akira?

"It's Thunder right?" Luna.

Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanila. Hindi pa siguro ako napapansin ni Thunder dahil busy syang makipaglandian sa babaeng to.

"Thunder!" Nagulat ako ng sumigaw si Luna kaya napalingon samin si Thunder at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo agad ako. Ayoko! Ayoko ng nakikita ko at malalaman ko. Ano na naman ba to? Kakakasal pa lang namin ulit diba?

Takbo lang ako ng takbo ng magulat ako ng may humila sakin kaya napaharap ako and to my disappointment. It's not Thunder but Luna.

So talagang mas prinioritize nya pa yung babae kesa sakin. Mas lalo lang akong nadurog.

"Aki, let's go. Ako na magmamaneho sayo pauwi" Luna.

Hindi ko na napigilan at umiyak na ko. Wala na kong pake kung I look weak. I am weak when it comes to Thunder.

That damn perfect cheating husband of mine.

"Aki"

"Just take me anywhere Luna. Ayoko munang umuwi" I managed to say in between my sobs.

Ayoko na. Gusto ko pa sana syang hintayin para makapag explain sya pero hindi nya ko sinundan.

I am never his priority. He's still the same Thunder and I'm starting to feel afraid again.

-------
Tbc

Ayun dahil birthday ko ngayon. Naisip ko na mag update ng special chapter hahaha

Yung part 2 later na kasi nagloloko ang phone na gamit ko. Later I promise bibies :)

Basahin nyo po sana ang side story ni Cloud. (I MARRIED MY KILLER) So that you will know who ane what kind of person Luna is.

Sa mga nagtatanong po. Yes may book 2 po itong MPMH. Nasa works ko na po sya ang title is THE FORGOTTEN ONE
I will start updating that as soon as matapos ang IMK

Add nyo na lang sa library nyo para pag nag update ako nano notify kayo hehe

Ayun happy birthday sakin.
19 na ko hahaha :)

Vote and comment as my gift please? Haha

- Kaye

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now