Wattpad Original
There are 6 more free parts

Chapter 7

150K 5.9K 1.4K
                                    

Chapter 7

Oras at Buhangin

I can still remember the warm feeling when I first heard you calling me, baby.

Ilang araw na ang nakakalipas simula nang bumalik ako sa mundo ng mga bampira. Binigyan ako ng panibagong silid ng mga Gazellian, malayo sa silid ni Zen para makaiwas ako sa sakit na pinangangambahan nilang muling mabuhay sa akin.

Isang malaking maling pag-aakala. Dahil kahit kailan, tumawid man ako sa mundo ng mga tao at lumipas ang mga taon, hindi na mabubura iyong sakit.

Hindi nila ako napigilan nang tinangka kong pumasok sa silid ng aking prinsipe. Muling nanariwa sa akin ang lahat nang sandaling ihakbang ko ang aking mga paa sa kanyang silid.

Bumalik sa alaala ko ang panahong pinagpanggap ako nina Lily at Harper bilang isang masahista.

Alam ko sa sarili kong namamalikmata ako, pero ito ako at patuloy na humahakbang at umaasang hindi imahinasyon ang matipunong katawan ni Zen na nakadapa sa kama na parang hinihintay ang mga kamay kong maglalandas sa kanyang likuran.

"Z-Zen..." Nagmadali akong lumapit at nang akmang yayakapin ko na ang katawan niya, bigla na siyang naglaho.

Nahiga ako sa kama at ibinalot ko ang sarili ko ng kumot niya.

"Baby, bumalik na ako. Nandito na ulit ako sa silid natin. Ilang taon na akong nangungulila sa 'yo..." Nilanghap ko ang kanyang pamilyar na amoy na hanggang ngayon ay naiwan pa rin sa kanyang kama. Gusto kong muling bumalik sa nakaraan, maranasan ko man lang na muli siyang makita, marinig ang boses niya, at maramdaman ang mga halik at yakap niya.

Pero papaano pa ako makakabalik sa oras kung wala na si Danna? May kakayahan pa kaya si Serena na gayanin ang kapangyarihan ni Danna? Nagawa na niya ito minsan, maaari niya kayang iparanas muli sa akin na mapagmasdan man lang si Zen kahit sa malayo?

"Gusto kitang muling makita, Zen. Hirap na hirap na ako. Sinubukan ko ang lahat ng nalalaman ko para muli kang ibalik sa mundong ito pero mukhang ayaw ng tadhanang muling magkasama tayo. Ilang daang taon pa kita hihintayin, Mahal na Prinsipe? Ano pang paraan ang maaari kong gawin?"

Patuloy ako sa pagsasalita na umaasa na bigla siyang sasagot.

"I miss you so much. Bumalik ka na sa akin, Mahal na Prinsipe..."

Mas lalong umagos ang mga luha ko nang muli kong maalala ang unang beses niyang pagkagat sa akin sa ibabaw mismo ng kamang ito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangil ng pinakamamahal ko at maging ang kakaibang pakiramdam nito sa buong sistema ko.

"I miss your fangs Zen, your lips, your voice, your arms, and even your snow..." Pinunasan ko ang mga luha ko nang makarinig ng nagmamadaling yabag mula sa labas.

"Claret..." Bumangon ako sa kama nang marinig ko ang boses ni Lily at ang marahang pagkatok niya.

"Lily..."

Lumapit siya sa akin. "Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na huwag ka nang magtungo rito. Alam mong masasaktan ka lang."

"I miss his scent..." Hinaplos ko ang kama niya.

"Come here. Ipapakilala kita sa lalaking napangasawa ko." Ngumiti ako sa sinabi niya. Kilala ko na ang tinutukoy niya at isa ako sa pinakamasayang nilalang para sa kanilang dalawa.

"I am so happy for you, Lily. Sa inyong dalawa ni Adam."

"Thank you, Claret. Isa ka rin sa dahilan kung bakit kami masaya na ngayon ni Adam..."

Nagtungo kami sa isa sa malaking terrace ng palasyo. Nakatalikod si Adam habang nakatanaw sa mga bulaklak na si Kamahalan mismo ang nag-aalaga. Kahit sino ay matutulala sa ganda ng hardin na iyon.

Bitten (Book 2 of Bite Trilogy) Venom Series #1Where stories live. Discover now