Chapter 1

40.7K 971 154
                                    

Missing Bodies
Written by: XenontheReaper
- - -

3:26 P.M.

"I-set n'yo na ang camp n'yo't aalis muna kami ni Ma'am n'yo." Paalam ni Sir Roy at inakbayan ang asawa nitong si Ma'am Ria. "May kukunin lang kami sa bayan at babalik kaagad." Sabay lisan sa 'ming camp.

Sinundan lang namin sila ng tingin hanggang sa malusaw sila sa gitna kagubatan.

Sana babalik sila kaagad.

"Magsimula na tayo." Sa gitna ng katahimika'y nagsalita si Lucas na aming presidente.

Hindi naman nagreklamo ang lahat at sumunod sa utos niya. Kaniya-kaniya sa pagkilos ang lahat at may kaniya-kaniyang pinagtutuonan ng pansin na tent.
Dahil sa nag-iisa lang ako sa 'king tent ay mag-isa lang din akong nagtayo nito.

"Tulungan na kita?" Mula sa likod ko'y biglang lumitaw si Wreen na ikinagulat ko.

Fvck! Ano na naman ito?

"H'wag na, kaya ko na 'to." Tanggi ko at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Pilit akong umiiwas at nagkukunwaring 'di ko na kailangan ang tulong niya.

Kahit sa totoo'y kailangan na kailangan ko talaga pero ayokong magmula ito sa kaniya.

"Kumusta ka na?" Imbes na umalis ay nanatili lamang siya't 'di umaalis sa pwesto. Batid kong gusto niyang makipag-usap.

Ngunit, ayoko. Ayoko muna.

"Hanggang ngayon pa rin ba Eurie?" Tanong niyang ikinatigil ko. "Hindi mo na naman ako papansinin at pakikinggan? Please naman Eurie dinggin mo naman paliwanag ko---"

"Wreen, h'wag ngayon." Matigas kong tugon at pinutol siya. "Ayokong marinig 'yang kasinungalingan at kahayupan mo."

"Pero may sa---"

"Oy tama na 'yan." Sita namin ni Lucas na pumutol din sa sasabihin sana niya. "Nandito tayo para magtrabaho, set aside n'yo muna 'yang personal n'yong issue."

Wala akong narinig na salita mula sa kay Wreen at umalis na. Batid niyang wala siyang mapapala sa 'kin kaya sumuko na ito.

Kung sana 'di niya ako iniwan at ipinagpalit kay Vanessa ay siguradong 'di kami magkakaganito. Kung sana nagsalita muna siya't nagpaalam ng maayos ay hindi ako magkakaganito ngayon. Bumitaw na sana ako.

Handa ko naman siyang pakawalan dahil sa ramdam ko na 'yong malamig niyang pakikitungo sa 'kin, pero 'yong bigla niyang pag-iwan sa 'kin sa ere ay masakit. Mistulang isa akong tanga na kumakapit sa sangang napakarupok at bigla na lang nabali.

Missing Bodies [Version 1]Where stories live. Discover now