Chapter 7

12.8K 476 76
                                    

Missing Bodies
Written by: XenontheReaper
- - -

Wala nang mas nakakabingi pa sa gabing 'to. Sa likod ng mga kababalaghang sinapit namin ay nagmistula pa ring mapayapa ang gubat dito.

Parang walang nangyari.

Malilikot ang daliri ko habang nagtitipa't pilit hinahanap ang nawawalang footage---ang parteng inatake si Jimmy o 'yong pinasok ang tent. May surveillance camera naman kasi sa loob ng main tent kaya siguradong may nakuha ito, pero nagawa pa ring ma-delete ito ng salarin.

Sinubukan ko ring suriin ang keyboard para sa fingerprints niya ngunit sa kasamaang palad ay malinis ito, batid kong gumagamit siya ng gloves o kaya'y pinahid niya ito.

Mautak ang salarin.

Sumuko na lang ako't napasandal sa inuupuan, napahawak ako sa 'king sentido dahil sa nagsisimula nang manakit ang ulo ko. Saglit kong itinitigil ang aking pagmo-monitor at humigop mula sa baso kong puno ng mainit na kape.

Ayokong matulog dahil sa natatakot talaga ako, baka may biglang papasok dito at aatakehin kami bigla. 'Yon ang dahilan ba't ako nagtabi ng baril. Nakasa ko na ito kung kaya't diretso putok na lang kung aatake man siya.

"Sandali lang Eurie, iihi lang ako," Paalam ni Ivan matapos malapag ang ilang dokumentong binabasa, "hindi ko na talaga kayang pigilan." At dali-dali siyang lumabas.

Naiwan akong nakatunganga sa harap ng laptop at napabuntong-hininga. Sa pag-iisa ko'y napuna kong mas lalong lumalala na ang aming problema. Hindi pa nga ito nasusulusyonan ay may bagong problema na naman. Hindi ko alam kung matatapos ko 'to mag-isa na walang tulong sa iba.

Magpapatuloy na sana ako sa pagmo-monitor nang biglang umilaw ang cellphone ko sa tabi. Tinignan ko ito at isang mensahe pala ang natanggap ko mula kay Mama.

'Kumusta na anak? 'Di ako makatulog. I love you.'

Napangiti lang ako't 'di na sinagot si Mama. Baka 'di na 'yon makatulog kapag kukulitin ko pa kaya magkukunwaring natutulog na lang ako.

Gaya niya'y nami-miss ko na rin siya kahit ilang araw pa lang kami rito. Sana lang ay matatapos na ito agad para masamahan ko ulit si Mama, mag-isa lang kasi 'yon dahil sa 'di pa umuuwi si Papa.

Dahil sa hawak-hawak ko ang aking cellphone ay sumagi sa 'king isipan ang sitwasyon nina Wreen. Malamang nasa ospital na ito sa mga oras na 'to o kaya ay papauwi na rito.

Itinipa ko ang numero niya't sinubukang i-dial. Ngunit hanggang ring lang ito. Siguro nasa bulsa niya ito o kaya'y drained na ang baterya niya kaya 'di na niya ito masagot. Gusto ko pa naman sanang kumustahin si Jimmy.

Sumuko na lang ako at napagpasiyahang magpatuloy sa pagmo-monitor.

Ngunit, laking pagtataka ko nang makitang wala ng ni isang feeds sa monitor. Blangko na lahat at may nakasulat na No Signal.

"Ivan? Pakitingin nga sa connection ng wirings, baka naputol." Mahinang utos ko sa kaniya mula sa loob na sapat para marinig niya mula sa labas.

Naghintay ako ng ilang saglit pero walang sagot mula kay Ivan, hindi rin naisaayos ang connection. Malamang hindi niya ito narinig.

"Ivan?" Tawag ko ulit sa kaniya't medyo nilakasan ang aking boses. Pero wala pa ring sagot.

Missing Bodies [Version 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon