Chapter 5

13.7K 517 56
                                    

Missing Bodies
Written by: XenontheReaper
- - -

5:23 P.M.

Lahat sila'y alalang-alala sa sinapit ko. Nakakailang at nakakahiya nga lang dahil sa para bang sinira ko ang kasiyahan nila nang matuon lahat ng atensyon sa 'kin.

Si Kezel ang nag-apply sa 'king sugat sa braso ng first aid. Ang iba'y pinapaulanan ako ng tanong at mayroon ding nagre-review ng footage kanina.

Sakop sa 'king paningin ang monitor ng laptop kung saan nila pinapanood ang footage kanina. Natuon lamang ang atensyon ko roon at 'di ko na nagawa pang sagutin 'yong ibang panay sa pagtanong sa 'kin.

Mula sa kinauupuan ko'y kitang-kita ko ang sarili sa monitor na nakasandal sa puno, buti na lang at hindi halata na umiiyak ako kanina. Ilang saglit pa, mula sa kinauupuan ko ay bigla na lang akong napatayo't balisang napatutok ng baril kung saan-saan, matapang at para bang hindi natatakot na mamamatay. At gaya ng inaasahan, bigla na lang akong nasugatan sa braso makaraan ang ilang segundo.

Nasundan naman ito ng labis na pagwawala ko. Malinaw na malinaw 'yong kung anong ilaw na lumalabas sa baril sa tuwing pinapaputok ko ito kung saan-saan.

Fvck!

Napaiwas naman agad ako ng tingin, nahihiya ako sa 'king sarili dahil sa parang nawawala na ako sa tamang pag-iisip. Hindi ako 'yong babaeng 'yon.

Hindi ko na tinapos pa ang footage at agad na tumayo't nagpaalam sa kanila. Eksaktong natapos na rin ang paggagamot ng sugat ko kaya may rason na akong lumabas.

"Eurie, saan ka pupunta?"

"Magpapahinga lang muna." Sagot ko at tuluyang nilisan ang main tent.

- - -

Nagising ako na nasa loob pa rin ng sariling tent, gabi na rin at parang mahaba-haba talaga ang naitulog ko. At ang 'di ko naman inaasahan ay ang presensya ni Wreen sa bungad ng tent ko.

"Buti na lang at nagising ka na, kumusta na pakiramdam mo?" Nag-aalala niyang tanong sa 'kin.

May problema ba 'tong lalakeng 'to?

Sa totoo lang ay wala talaga akong ganang magsalita kapag kakagising ko lang, ngunit ayoko namang maging bastos kaya sinagot ko na lang ito.

"Okay lang ako. Mahapdi lang talaga 'yong sugat ko sa balikat." Bumangon na ako at napaunat dahil sa pagod. Pasikreto naman akong napangiwi nang makaramdam ng sakit sa balikat matapos itong maunat.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

"Nasa loob sila ng main tent," akma na sana akong lalabas nang pigilan niya ako, "at dito ka lang daw at magpahinga muna."

"Ayoko." Tutol ko, "hindi naman ako baldado para 'di tumulong sa kanila. Tsaka, daplis lang 'tong nakuha ko. Hindi naman 'to nakakamatay pa." Mataray kong sagot at iniiwasan siyang matignan sa mata.

Missing Bodies [Version 1]Where stories live. Discover now