Epilogue

17.7K 582 298
                                    

Missing Bodies
Written by: XenontheReaper
- - -

Puro iyak lang ang nagagawa ko habang tinitignan ang walang kabuhay-buhay kong mga kaibigan, alam kong walang maitutulong ang iyak ko pero sa sitwasyong ito ay 'yon na lang ang magagawa ko.

Ayokong magaya sa mga kasamahan ko.

At parang pinaglalaruan nga naman ako ng tadhana at humakbang siya papalapit sa 'kin. Dala ng takot ay nagtangka akong gumapang papalayo, ngunit naabutan pa rin niya ako.

Ang buong akala ko'y papatayin niya na talaga ako at magagaya sa mga kasama ko, pero inalis niya lang pala ang busal ko.

"M-maawa ka... Maawa ka sa 'kin. Please! H'wag mo 'kong patayin! Aalis ako! Pangako 'yan! Hindi kita isusumbong! Please! H-hayaan mo na ako..." Iyak ko't pagmamakaawa nang magkaharap kami.

Kahit na takot na takot ako ay nilakasan ko ang aking loob para mahikayat siya at pumayag siyang pakawalan ako.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo," para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi niya, "pero manuod ka muna."

Kinabahan naman ako sa nais niyang iparating. May ideya na ako pero ayokong pangunahan ang sitwasyon. Hindi ko pa alam kung anong plano niya kung kaya't nagmasid lamang ako't hindi inaalis sa kaniya ang aking tingin bilang pagsunod sa kagustuhan niya at para naman sa kaligtasan ko.

Tinamaan naman ako ulit ng kaba nang hubarin niya ang kaniyang suot na jacket, kasama na rito ay ang kaniyang hood. Nakatalikod siya sa 'kin kung kaya't napakahirap para sa 'kin ang aninagin at kilalanin siya.

Sunod niyang inalis ang kaniyang damit at naiwan na siyang topless. Tahimik lamang ako habang pinapasadahan ng tingin ang maskulado ngunit puno ng galos at pasa niyang katawan.

At ang huli niyang inalis ay panyo sa mukha. Kasabay no'n ay ang unti-unti niyang pagtingala. Hindi ako nagulat sa kaniya bagkus natulala lamang.

"Malamang magtatanong ka kung sino ako. Ako nga pala si Clifford." Pakilala niya sa 'kin at ako nama'y nanatiling tahimik habang pinapanood siyang may kinuha sa loob ng parisukat na butas ng pader. "Ikaw si Eurie diba?" Tanong niya at naglabas ng isang lagari. Iba na ang kutob ko sa lagari niyang tangan-tangan.

"O-oo." Nauutal kong sagot at napatango ng makailang ulit.

"H'wag kang matakot Eurie, hindi ako nananakit ng buhay." Sabi nito at nilapitan ang kawawa kong kaibigan na si Charice na nakabitin patiwarik.

Wala na ngang buhay pa si Charice. Naaaninagan ko sa 'king pwesto ang nag-aasul na marka ng lubid sa leeg niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip 'yong sinapit niya kanina na kalunos-lunos.

Nagimbal ako sa mga sumunod na nangyari. Halos masuka ako nang lagariin ni Clifford ang bewang ng bangkay ni Charice. Kahit patay na ito ay may kung anong malapot na dugo pa rin ang tumatakas sa sugat.

Naiyak na lang ako't iniwas ang aking tingin para hindi masaksihan ang nangyari. Pero kahit nakapikit at nakaiwas ang tingin ko'y dinig na dinig ko pa rin ang tunog ng laman napupunit.

Missing Bodies [Version 1]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant